Sana Tayo Na Talaga

5 1 0
                                    

Sa kabila ng pagitang malayo nating dalawa sa isa't isa
Ay nagawa mong maipadama ang pag-ibig na ibang-iba
Na s'yang pumawi sa malungkot na gabi sa tuwi-tuwina
At nagpatunay na maitatama lahat kahit pa nga mali na

Tinama mo ang maling nakaraang namagitan sa atin
At pinaglaban ang pagmamahal na tanging para sa'kin
Yumakap ka kahit pa pagtalikod ang nagawa kong piliin
Oras,espasyo at tiwala ang nakuha mong ibigay sa akin

Nakuha mong ibigay marahil upang aking mapagtanto
Ang tunay na halaga mo at importansya sa daigdig ko
Tunay na parte mo sa buhay pati na rin sa hinaharap ko
At marahil para rin malaman kong tunay ang pag-ibig mo

Labis ang aking pasasalamat na ako'y binigyang halaga
At ako'y pinagkatiwalaan pa sa pagkakataong ikalawa
Ginawa mo ang lahat at ang pag-ibig sa'ki'y pinadama
Akin ngayong dinadasal at hinihiling sana tayo na talaga

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon