Binigyan Mo 'Ko Ng Pangarap

11 1 0
                                    

Binigyan mo 'ko ng pangarap kahit parang napakaimposible
Dahil sa katotohanang walang sapat na tiwala sa'king sarili
Subalit naniwala ka sa'kin,tila paniniwalang 'di na mababali
Hindi ka man lang nag-alinlangan,ni hindi ka nagbakasakali

Basta kumapit ka sa tiwala't naniwala ka sa'kin ng buong-buo
Mistulang ibinangon  mo ang dating ako mula sa pagkalumo
Inalalayan,hinawakan sa kamay at hinila mo upang makatayo
'Di ka man lang nagdalawang-isip para sa planong gagawin mo

Binigyan mo 'ko ng pangarap na sabi mo'y kaya kong maabot
Hawak ang paniniwala at suporta mo naisantabi ko ang takot
Ang sakit kong kahinaan ng loob tila nabigyan mo ng gamot
At sa tanong na kaya ko bang talaga,pagyakap ang iyong sagot

Walang boses na pagtugon ngunit sa pinapahiwatig ng yakap
Alam kong nasa tabi kita,kasama sa pagsubok na makakaharap
Kasamang aabotin ang lahat ng nais sa darating na hinaharap
Maraming salamat sa tiwala at sa binigay mo sa'king pangarap

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon