Sarili Naman

2 0 0
                                    

Panahon na marahil upang ang sarili naman ang piliin ko
Sarili naman ang unahin ko,sarili naman ang isipin ko
At ano mang nararamdaman sayo ay akin ng pipigilin 'to
Mahal kita subalit sobra ka na kaya't dapat ko ng ihinto

Panahon na marahil para sarili naman bigyan ko ng espasyo
Upang makadistansya ako sayo,sayo na tinuring ko na bisyo
Napakarami ko ng sinugal,itinaya at para sayo'y sinakripisyo
Ngunit ang lahat ng 'yan ay nakita mo lang bilang benipisyo

Panahon na marahil upang ang sarili naman aking ingatan
Nakakapagod na ring hanapin sayo ang aking kahalagahan
Ni hindi ko nakita sayo 'yan ni 'di ko man lang naramdaman
Labis naman ang pagsosobra ko pero ikaw ay nakulangan

Panahon na marahil para aking sarili naman ang mahalin
Mula kasi ng mahalin kita nakalimutan ko na 'yang gawin
Inakala ko kasing pagmamahal ko'y tutumbasan mo rin
Kaya ngayon sarili ko naman ang aking dapat na ayosin

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon