Limampung Tula

5 0 0
                                    

Sa aking ika-limampung tula paano ba magsisimula
Mistulang nauubosan na 'ko ng mga letrang itutugma
Bumbilya ng mga ideyang nagsindi'y nawalang bigla
Tila tuloyan na ngang napundi at nawalan na ng sigla

Itutuloy ko pa ba o marahil dapat munang magpahinga
Huminto muna sandali dito sa ika-limampung pahina
Upang ng sa ganoon ay mapahinga ang isipang makina
Magpapahinga lang naman 'di ko sinabing ito'y huli na

Babalik rin naman ako sa pagsusulat baka bukas o mamaya
Sa ganitong paraan ko kasi nagagawang tuloyang mapalaya
Ang mga isipin,pighati at problemang parang 'di na kaya
At sa paggawa't pagsusulat ng tula ako nagiging masaya

'Di man magustohan ng bumabasa,ayos lang naman 'yon
Inilalabas ko lang naman linalaman ng aking imahinasyon
Saklaw ang pangyayaring minsan aking naging sitwasyon
Kung kaya't bawat tula ko ay linukob ng mga emosyon

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now