Alam Kong Akin Ka Na

6 1 0
                                    

Ano bang ginawa mo bakit sa isip ko'y 'di ka na nawala
Lagi kitang naaalala maging sa mga oras na ako'y abala
At hindi ko mawari kung ba't napapangiti na lang bigla
Masyado ko na yatang nakakasanayan dulot mong sigla

Kahit pa malayo ka at makasama ka'y panaginip
Oras-oras ay hindi ka nawawaglit sa aking isip
Nananatili maging sa mga sandaling ako'y naiidlip
Ginayuma mo yata ng mga larawan mong nasisilip

Alam kong masaya ka rin 'pag ako ang iyong kausap
Kita ko 'yan sayong mga mensahe 'di man kita kaharap
Ibang saya ang hatid sa'kin na tila sa puso'y yumayakap
Napakaswerte ko sapagka't ikaw ay aking nahagilap

Kaysarap isiping malayong kang inilapit ng tadhana
Aking inspirasyon na hiling ko'y makasama ko sana
Na kahit tumutol pa ang mundo ay 'di na 'yan alintana
Ayaw man ng pagkakataon alam kong akin ka na

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon