Meron Akong Ikaw

9 0 0
                                    

Gusto kong malaman mo na para sayo,dito lang ako
Sa sandaling kinakailangan mo ako,dito lang ako
Wala man ako madalas d'yan sa tabi mo,dito lang ako
Kung naghahanap ka ng makakausap mo,dito lang ako

Nandito ako palagi para sayo huwag sanang kalimutan
Nandito ako palagi bilang kakampi,kasangga at kaibigan
Nandito ako palagi upang sumuporta sayong kagustohan
Nandito ako palagi para sayo basta't palagi kang nand'yan

At sana 'wag isiping gusto kita dahil ikaw ang nand'yan
At sana 'wag isiping gusto kita para muli lang na saktan
At sana 'wag isiping gusto kita upang muli lang talikdan
'Di mo naman kailangang gustohin din ako dahil d'yan

Basta dito lang ako kahit pa ikaw ay lumapit o lumayo
Nandito ako palagi gagawin ang makakaya para sayo
At sana 'wag isiping sa akin ay muli ka pang mabibigo
Masaya akong meron akong ikaw at 'di ako nagbibiro

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now