Sana Ikaw Na Lang Pala

3 0 0
                                    

Sa pagsasalubong ng landas at ating pagkakakilala
Bigla ko na lang nahiling na sana ikaw na lang pala
Subalit hindi na maaari dahil magiging pagkakasala
Lalo't ako'y may karelasyon na nasa aki'y nagtitiwala

Pero sana ikaw na lang pala 'yong nakilala kong una
Sana napansin mo na ako dati at akin ka ring napuna
Sana ikaw at ako na sa madaling salita ay tayo na
Sana ang biruan na namamagitan sa'tin ay totoo na

Ngunit marahil itinadhana talagang lahat ng ito'y maganap
Na magkalapit tayo't magkasundo ng dahil sa pag-uusap
At maramdaman ang kakaibang sayang sayo lang nalasap
Swerte ba 'kong nakilala ka o malas na huli ka ng nahanap

Swerte ba ako sapagka't magkaibigan tayong dalawa
O malas dahil tayo ay hanggang doon lamang talaga
Swerte siguro pero malas din dahil walang magagawa
Kaya't sana ikaw na lang pala dahil ikaw ay mahalaga

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now