Minsan

4 0 0
                                    

Minsan na akong nagmahal at ang minsan na 'yon ay masakit
Isang minsan na inakala kong hindi ko na nanaisin pang maulit
Ngunit nagbago ang lahat nang ikaw sa akin ay tila inilapit
Inilapit ng tadhanang mapagbiro't pagkakataon lubhang makulit

Mistulang namatay kong damdamin noon ay nabuhay muli
Para bang sa pagmamatigas ng puso'y pinalambot mong muli
At iwasan ko man ay tinuroan mo 'kong umibig pang muli
Batid mang hindi ikaw ang una sakin sana'y ikaw na ang huli

Sana ikaw na ang aking wakas at dahil sayo ko nais magtapos
Hindi ko man maisigaw 'yan ng malakas at 'di ko man ikapaos
Sa puso ko ang minsan mong pinadama ibabalik ko ng taos
Pilit ibibigay ang higit pa sa sapat at ang pinakalabis sa lubos

Hindi ko man maipangako pa 'yan ngayon pero sana tandaan
Na ikaw ang dahilan kung bakit ako'y 'di na takot masaktan
At kung bakit nawala ang pangangamba na ako'y matalikdan
Kaya't ngayon ang hiling sana'y wala ng wakas ang minsan

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon