Magalit Man Ang Mundo

8 1 0
                                    

Ang sakit isiping nasasaktan kita 'di ko naman 'to gusto
Ang sakit isiping nasasaktan kita at 'di ba't 'yan ang totoo
Ang sakit isiping nasasaktan kita at hinahayaan ng husto
Ang sakit sakit isipin na ikaw ay sobra ng nasasaktan ko

Ngunit wala akong magawa sa isang relasyon ako na'y kulong
At wala kong magawa kahit pa sa puso ikaw na ang bulong
Oo wala akong magawa kung 'di sa tadhana'y magtanong
At alamin ang sagot kahit pa alam ko na walang tutugon

Subalit gano'n pa man sana ang magaganap ay positibo
Sana kaya sa atin nangyayari 'to dahil sa magandang motibo
Sana sa bandang huli ang maging resulta'y 'di negatibo
Sapagkat sayo ko na natagpuan ang lahat ng aking tipo

Hindi man ako malaya sa oras na tayo ay pinagtagpo
Aasa ako na balang-araw pagkakatao'y iiba din ang takbo
Na magiging ikaw at ako na tila ba tayo'y pinagkasundo
At sa huli ay mayroong tayo kahit magalit man ang mundo

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now