Tatanggapin

15 0 0
                                    

Kamusta ka na alam mo bang sayo pa rin ako ay nasasabik
Hinahanap-hanap ko pa rin ang bawat yakap mo at halik
At ang mga sandaling masaya tayo na hindi na maibabalik
Sa puso ko nakaukit ang pangalan mo at bawat nitong titik

Kung maaari lang hihilingin ko pa rin na sana muli ay ikaw
Sana muling maibalik sandaling sa kamay ko'y 'di bumibitaw
Bakit ba kasi umabot pa sa pagkakalaboan ang dating malinaw
Mistulang napundi na ang walang kasing liwanag nating ilaw

Pinatunayan mo sa akin na ang lahat ay mayroong hantongan
Na may pagtatapos bawat pagsisimula at 'di na madudugtongan
Ang lahat ng namagitan sa'tin ay sa alaala na lang ang kulongan
Kung bakit ba ito naganap walang kasagutan ang katanungan

Marahil kailangan na lang tanggapin at unawain lahat ng 'yon
At marahil may inilaan na magandang plano ang panginoon
Ipagkakatiwala na lang ang lahat sa tadhana at pagkakataon
Kung ano man ang maganap alam kong matatanggap ko 'yon

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now