Alam ko nasasaktan ka na ngunit patuloy sa pagkapit
Alam ko nasasaktan ka na pero 'di magawang magalit
Alam ko nasasaktan ka na na dapat 'di mo sinasapit
At wala akong ginagawa para 'di mo madama ang sakitBatid ko mang nahihirapan ka na sa relasyong 'to
Batid ko mang pinipilit mong isalba ang meron tayo
Batid ko mang kinakaya mo lahat para sa'kin at sayo
Batid ko lang subalit ika'y mistulang pinababayaan koKahit pa maaaring dumating ang sandaling ika'y magsawa
Kahit pa maaaring humantong sa oras na 'di mo na kaya
Kahit pa maaaring mapagod ka na at ika'y sumuko na
Nakasanayan na yata kita ng sobra kaya't binabalewala naSaka mahal mo naman ako kahit ano pang mangyare
Saka mahal mo naman ako at lagi mo 'yang sinasabe
Saka mahal mo naman ako at sayo ako'y importante
Mahal din kita alam kong ako lang kaya ako kampante
BINABASA MO ANG
Isang Daang Tula
PoetryGinawa ko 'to para makaligtas sa pakiramdam ng pag-iisa,sa sandaling akala mo wala ka ng kakampi,sa sandaling malungkot at walang mapaglabasan ng sama ng loob,sa mga oras na masaya ngunit walang makasama upang magdiwang,Tanging tula at mga tugmang l...