CHAPTER 59

1.3K 66 0
                                    

1st Person POV.

Bago umuwi ng bahay ay dumaan muna ako sa kuta ng grupo namin. Sinigurado ko munang walang nakasunod sa'kin bago ako bumaba. Nang wala namang kung sino ay bumaba na'ko. Kumatok muna ako sa pintuan. Ilang minuto pa ay may nagbukas.

"Wala bang nakasunod sayo?" sabi ni Solar.

"Wala naman." pagkasabi ko n'on ay pinagbuksan n'ya ko ng pintuan."Nasa'n si VB?"tanong ko kay Solar.

"Nasa baba." sagot n'ya.

Bumaba ako sa hagdan at hinanap si VB. Alam kong nand'on s'ya sa paboritong n'yang kwarto kaya d'on ako nagpunta. Kumatok muna ako bago pumasok.

"Any news?"-VB.

" VB confirmed, seven-nine-eighteen-twelve-six-eighteen-nine-five-fourteen-four-fourteen-nine-twenty-one-twentyfive-twelve-five-eighteen-twentyfive-twentyone-fourteen-seven-two-one-two-one-four."sabi ko kay VB.

"Salamat, pwede ka ng lumabas." sabi ni VB sa'kin kaya lumabas na'ko.

"Nalaman mo?" Tanong sa'kin ni Hilaw.

"Oo."sagot ko sa kanya.

"Inunahan mo'ko."-Hilaw." Kabisado mo pa pala yung code natin."dagdag n'ya pa.

"Ako pa." tinapik ko ang likod n'ya pagkatapos ay umakyat na.

Pagkaakyat ko ay nakita ko si Moon na nakasandal sa pader at nakapamulasa."Good Job, baby boy."

Tinapik ko na lang ang likod n'ya. Nakita ko ang iba na nakaupo sa sofa. Mukhang naiinip na sila at gusto na nilang gawin ang sunod na hakbang. Umupo ako sa tabi ni Telescope.

"Kating-kati na'ko putek." biglang sabi ni Liit.

"Easy lang." sabi ni Cheeze kay Liit.

"Kamusta yung pinatrabaho sayo?" tanong sa'kin ni Bakla.

"Ayos naman umaayon sa plano ang lahat." sagot ko sa kanya.

"Mabuti kung gan'on, makakabawi rin tayo sa hayop na 'yon."-Bakla.

" Gagamitin ba natin yung two-one-two-one-four kay twenty-one-twentyfive-twelve-five-eighteen?"biglang tanong ni Sun.

"Oo daw sabi ni VB." Si Moon ang sumagot.

"Kailan ba ang acquittance party n'yo, Baby boy?" tanong sa'kin ni Cheeze.

"Hindi pa sinasabi." sagot ko.

"Yung sa competitions kailan?" tanong naman sa'kin ni Liit.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें