CHAPTER 127

809 33 10
                                    

Maxine's POV

Nagising ako dahil nag-ring na ang bell, senyales na break time na. Absent yung teacher namin bago mag-break time. Kaya ang ginawa ko ay natulog. Napagod din ako kanina sa kakatalak kay Tayler. Tinignan ko ang upuan n'ya. Wala pa rin pala s'ya hanggang ngayon. Huli kong kita sa kanya ay nung nagsapakan sila ni Damon. Tama lang naman siguro na magpalamig muna kami ngayon para pagkatapos doon na namin aayusin kung may problema kami.

Nagkaroon lang ng misunderstanding kaya yun nangyari. Kita kong tumayo sina Justine at nilapitan ako. Bitbit nila yung bag nila."Max, nasa'n si Tayler? Bakit si Damon yung kasama mo imbis na s'ya?"tanong ni Cairo.

"Tsaka bakit may pasa sa mukha ni Damon? May nangyari ba na hindi namin alam?"tanong naman ni Liam.

"Easy lang, magisa lang si Maxine."Justine.

"Misunderstanding lang na ewan ko. Para kasing lumala. May hindi lang kami pagkakaintindihan tapos nakaramdam ako ng galit kay Tayler kaya nasampal ko s'ya. Mga halos apat or limang beses. Ayaw akong bitawan ni Tayler kanina tapos bigla na lang dumating si Damon. Doon ko napansin na parang kakaiba si Tayler."kwento ko sa kanila.

"Masama 'to."narinig kong bulong ni Cairo.

"Pa'nong masama?"tanong ko kay Cairo.

"May isang beses kasi kaming nakita si Tayler na kakaiba yung tipong parang galit na galit na tigre na gustong kumain ng tao. Huli namin s'yang nakita n'on nung nag-away sila ng lalaking 'yan."tinuro pa ni Cairo si Damon.

Napatingin si Damon sa 'min. Bigka s'yang tumayo."Pagsabihan n'yo nga yung kaibigan n'yo. Masyado s'yang bastos."sabi ni Damon pagkatapos ay umalis na s'ya bitbit ang bag n'ya.

"Ano yung ibig-sabihin n'ya Max?"tanong ni Justine.

"Kanina kasi nung nasa kotse ako ni Tayler bigla na lang n'ya kong hinalikan kaya nasampal ko s'ya."sagot ko.

Nagkatinginan na lang silang tatlo. Kita kong papunta sina Andrea sa gawi namin."Tara na Max kain na tayo, gutom na 'ko eh."sabi sa 'kin ni Andrea.

"Sige."pagsang-ayon ko."Kayong tatlo. Gusto n'yo bang sumama sa 'min?"aya ko kina Justine.

"Sige."-Cairo.

"Sure."-Liam.

Tumango na lang si Justine. Sabay-sabay kaming lumabas ng room. Absent ngayon si Andrea. Ang sabi, may aasikasuhin lang daw pero bukas papasok na daw s'ya. Humarang sa dinadaan namin si Zerene at ang mga kaibigan n'ya."Oh nasa'n na yung kaibigan mong manloloko at yung boyfriend mong taksil?"mataray na sabi ni Zerene habang naka-cross arms s'ya.

"Wala ka ng pakealam d'on. Pakealaman mo yung buhay mo, hindi yung buhay ng iba."pagkasabi ko n'on ay naglakad ako at binangga ko s'ya."Oops sorry sadya."asar na sabi ko.

"Aba sinusubukan mo 'ko ah!"galit na sabi n'ya.

Sasampalin n'ya na sana ako pero agad ko s'yang pinigilan."Simula ngayon hindi mo na 'ko basta-basta masasaktan dahil hindi na 'ko magpapaapi sayo at higit sa lahat hindi na 'ko aasa sa iba ng tulong."pagkatapos kong sabihin 'yon ay binitawan ko na ang kanay n'ya at nagpatuloy na 'ko sa paglalakad papunta sa cafeteria.

Bigla na lang may humatak ng buhok ko."Ang ayoko sa lahat ay yung pinagsasalitaan ako ng gan'on at bigla na lang akong tinatalikuran."sabi n'ya habang sinasabunutan ako.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now