CHAPTER 15

2K 97 0
                                    

Maxine's POV.

Nakaligo, nakabihis, at nakakain na'ko inaantay ko na lang si Damon. Napagdesisyonan kasi namin ni Damon na hatid-sundo n'ya na lang ako araw-araw tsaka ayos lang naman sa kanya 'yon.

Maaga akong nakatapos ngayon sa pagaayos dahil maaga akong nagising kanina. May napanaginipan kasi ako kagabi. Nanaginip ako ng isang batang babae at batang lalaki. Pamilyar yung mga boses nila. Narinig ko na 'yon dati kaso 'di ko maalala kung saan.

Masyado rin maliwanag kaya 'di ko nakita yung mga mukha nila. Ang weird nga e kasi nung tinanong na nung batang babae kung anong pangalan nung batang lalaki bigla na lang wala na'kong narinig tapos pagkatapos n'on nagising na'ko, nahulog pa nga ko sa higaan e kaya ngayon ang sakit ng braso ko lintek.

Ano kaya 'yon? Sino kaya yung mga batang 'yon? Bakit ko kaya sila napanaginipan? Pangalawang beses na 'to e. Tuwing makakakita ako ng isang batang lalaki at babae naalala ko yung napanaginipan ko. Tsaka para akong tanga pag-gising ko kasi pagkatapos kong isipin yung napanaginipan ko bigla kong inisip si Tayler, hanggang ngayon s'ya yung nasa utak ko.

Ano kayang meron sa lalaking 'yon at inisip ko s'ya?

"Ah!" napakamot ako sa ulo ko.

"Ayos ka lang bunso?" biglang sumulpot si kuya.

"Ah oo kuya hehehe." agad naman akong sumagot.

"Nand'yan na yung sunod mo." sabi ni kuya habang kumakain ng lollipop.

Parang bata minsan 'to si kuya e.

Kinuha ko na ang bag ko na nasa kama at binitbit ko na. Sabay kami bumaba ni kuya. Naabutan namin si Damon na nakaupo sa sofa.

Tumayo na s'ya ng makita kami."Good morning Max, good morning dre. "ay close na sila ni kuya?

" Good morning Bakla!"bati ko na may pangangasar.

"Good morning din dre." bati naman ni kuya.

"Aalis na kami dre." sabi ni Damon.

"Sige dre paki-ingatan yung prinsesa ko." sunod naman na sabi ni kuya.

Matapos makapag-paalam ay lumabas na kami ng bahay. Pinagbuksan ako ni Damon ng pintuan sa may passenger seat. Bago pumasok sa loob ay kumaway muna ako kay kuya. Pagkatapos ay pumasok na'ko sa loob at nag-seat belt.

Pumasok na rin si Damon at nag-drive  na. Napansin kong medyo namumutla si Damon, siguro ay lumala yung sakit neto. Kaya dinampi ko ang kamay ko sa noo at leeg n'ya

"Hoy kupal ka ang init mo ah." sabi ko matapos i-check kung may lagnat ba s'ya.

"Kaya ko naman." nainis ako ng sabihin n'ya 'yon.

"Ikaw tigil-tigilan mo ko sa kakakaya ko naman ah masasapak na kita." sinimangutan ko s'ya.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now