CHAPTER 80

1.1K 60 0
                                    

Maxine's POV.

Natapos na ang practice namin. Medyo napagod ako ngayon at tsaka nakakaramdam ako nang antok. Buti na lang at nakapag-focus sa practice ngayon. Himala nga na hindi ako inaway ni Zerene pero nararamdaman ko pa rin na may binabalak 'tong isang 'to. Naalala ko kasi dati na ang tahimik n'ya at hindi n'ya ko pinakealaman tapos bigla na lang may ginawa s'yang kababuyan aish! >_<

"Girls, bago kayo magsi-uwian ay may sasabihin muna ako." sabi sa'min ni Ms. Daffney kaya naman nakinig kami."Gaganapin ang beauty pageant sa gymnasium since maluwag naman 'yon at gagawa naman nang stage sa loob noon. Kailan gaganapin? July 14, sa oras ng 3:50 PM. Wag n'yong kakalimutan ang Talent and Answer portion okay? Pwede na kayong umuwi."sabi ni Ms. Daffney.

Lumabas na'ko ng room at naglakad palabas naman ng school. Medyo maaga kami natapos ngayon. Ang oras palang ay 12:05 NN. Dito na lang ako nag-antay sa harap ng gate nang school. Biglang nang shut down ang cellphone ko dahil lowbat na. Aish bakit ngayon pa! T^T. Hindi ko kasi na-charge 'to kagabi eh.

"Hoy babae mukhang tinagusan ka." may narinig akong nagsalita at boses lalaki.

Nilingon ko s'ya. "Ako ba kausap mo?" tanong ko sa kanya.

"Ako sino pa ba? Stupid." sabi n'ya tapos ay nagiwas s'ya ng tingin.

Aba bwisit 'to ah!"Tanga ka agad? Pwedeng nagtatanong lang? Psh!"Tinalikuran ko s'ya.

Biglang may yumakap sa'kin. "Tayler?" sabi ko.

"Sinong Tayler yung sinasabi mo? Ako 'to 'no. Nakalimutan mo na'ko kaagad? Sabing natagusan ka eh stupid." sabi n'ya habang nakayakap sa'kin.

"Wag mo nga kong tawagin na stupid! Hindi ako tanga at wag mo'kong hinohoy may pangalan ako 'no!" inis na sabi ko.

"Eh 'yon ang gusto ko eh, pake mo ba?" sabi n'ya pa.

Nakakaasar naman 'tong lalaking 'to, hmp!"Bitawan mo na nga ko!"sigaw ko sa kanya.

"Edi bitawan nag-inarte ka pa eh Ikaw na nga tinutulungan." pagkasabi n'ya n'on ay binitawan na n'ya ko.

"Maxine." narinig ko ang boses ni Tayler sa may gilid ko.

"Tayler!" nakangiting sabi ko sabay yakap sa kanya."Tayler niyakap n'ya ko."Sabi ko pa.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Onde histórias criam vida. Descubra agora