CHAPTER 145

681 31 0
                                    

Maxine's POV

Malapit ng mag-break time. Si Tayler ay nasa detention room ngayon. Ilang beses kasi siyang sinita ng mga teachers namin na natutulog sa gitna ng klase. Si Mrs. Dela Cruz ang nagtuturo ngayon sa amin. Kakapasok ko palang dito sa room kanina nakita kong tulog siya. Dumating si Ginang Guerrero tapos nagalit kasi hindi niya magising si Tayler. Tapos sumunod si Sir Bellares nagalit din kasi natulog ulit si Tayler sa oras niya.

Sunod naman si Mrs. Theresa natulog din siya at kay Mrs. Dela Cruz din. Pero sa lahat ng teacher na 'yon si Mrs. Theresa ang nagpapunta kay Tayler sa detention room. Lalabas lang daw siya doon kapag break time na kaya pagkatapos na pagkatapos nito ay agad ko siyang pupuntahan. Ano kayang nangyari sa lalaking 'yon at panay ang pagtulog ngayon ko lang siya nakitang gan'on.

Bigla namang nag-ring ang bell. Napatigil sa pagbabasa si Keisha."Okay ipagpatuloy mo na lang 'yan Keisha bukas."sabi ni Mrs. Dela Cruz kay Keisha. Tanging pagtango na lang ang ginawa ni Keisha kay Mrs. Dela Cruz."Bye class, see you tomorrow."pagpapaalam sa amin ni Mrs. Dela Cruz at tuluyan na siyang lumabas ng classroom.

Agad ko pinasok ang mga gamit ko sa loob ng bag pagkatapos ay tumayo na ako."Andrea una na kayo sa cafeteria. Pupuntahan ko lang si Tayler."nagpaalam ako kina Andrea

"Samahan ka na namin Max?"pagprisinta ni Justine.

"Hindi na. Samahan niyo na lang sina Andrea sa cafeteria."sabi ko sa kanilang tatlo."Mamaya na lang."sabi ko pa habang patakbo ako lumabas ng classroom.

"Sige!"rinig kong sabi nila.

Mabilis akong naglakad patungong detention room. Buti na lang at binigay sa akin ni Mrs. Theresa ang susi ng detention room kanina. Agad naman din akong nakarating sa detention room. Binuksan ko na ang pinto. Agad ko din naman na sinara. Walang ilaw dito, tanging liwanag lang sa labas ng bintana ang nagsisilbing ilaw dito. Nakita ko si Tayler na nasa lapag. Nakasuot pa rin ng hoodie. Nakaupo siya. Humarap ako sa kanya at lumuhod ako para magkapantay kami.

Tulog na tulog siya. Pinagmamasdan ko na lang siya. Ang gwapo niya pa rin talaga kahit tulog."Hoy gising na diyan."paggising ko kay Tayler."Mister gising na."

Minulat niya na ang mata niya."Tapos na ba?"agad siyang nagtanong.

"Oo."sagot ko naman."Tara na baka nagugutom kana."sabi ko pa sa kanya."Hindi ka ba nakatulog kagabi?"nagtanong ulit ako.

Halata naman kay Tayler na hindi siya nakatulog kagabi. Wala akong maisip kung bakit hindi siya nakatulog. Tumango na lang siya sa tanong kong iyon."Tara na, baka nagugutom kana."sabi naman niya sa akin.

Tumayo na siya. Nilahad niya ang kamay niya para tulungan akong makatayo. Agad ko naman na inabot ko ang kamay ko sa kanya at pagkatapos hinatak niya na ako. Sabay kaming lumabas ng detention room."Hindi ka na ba inaantok?"nagtanong ako habang sinasarado ko ang pintuan ng detention room.

"Hindi na."sagot niya habang nakapamulsa ang dalawa niyang kamay.

Kasabay ng kanyang sinabi ay natapos na akong i-lock ang pintuan ng detention room."Idaan muna natin kay Mrs. Theresa itong susi baka kasi hanapin niya at mawala ko pa ito."sabi ko pa habang binabato ko susi sa ere.

Pagkatapos kong mabato ng dalawang beses ang susi ay hindi ko na ulit binato. Hindi na din pinansin ni Tayler ang sinabi ko at naglakad na lang siya. Lumapit ako sa kanya."Nasaan sina Justine?"tanong pa sa akin ni Tayler.

Hindi ko maipaliwanag kung may ekspresyon ba ang mukha ngayon ni Tayler."Kasama nina Andrea. Nasa cafeteria."sagot ko naman.

Nakarating na kami sa office ni Mrs. Dela Cruz."Dito na lang ako sa labas."sabi pa ni Tayler.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now