CHAPTER 32

1.6K 95 12
                                    

Maxine's POV.

Nagpaalam na ang huling subject teacher namin dahil oras na ng uwian. Nagpaalam na rin sa'kin sina Andrea na mauuna na sila dahil kailangan daw nila umuwi ng maaga.

Ngayon, ako na lang ang tao dito sa room hindi na naman nag-linis ang mga classmates ko kaya ako na ang naglinis dahil no choice ako kapag binalewala ko naman magkukunsensya naman ako diba?

Nagsimula na'kong maglinis. Ang daming kalat sa may bandang dulo sa gawing kanan. Inipon ko muna ang mga kalat, nilagay ko 'yon sa may bandang harapan pagkatapos ay dinakot ko na ng dust pan tsaka nilagay ko sa basurahan.

Pagkatapos maglinis ay pinatay ko na ang mga ilaw at electric fan. Lumabas na'ko ng room at sinara na ang pinto. Nagulat ako ng pagkaharap ko ay nakita ko si Tayler.

"Ang tagal mo." malumanay n'yang sabi.

"A-anong ginagawa m-mo d-dito? Akala k-ko nakauwi k-kana." sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko.

Ginulat ako ng isang gwapo 'teh!

"Tara na." aya n'ya at nauna na s'yang maglakad.

Ano daw?

Tumakbo ako papalapit sa kanya."Saan tayo pupunta?"tanong ko pero 'di s'ya sumagot."Unggoy saan tayo pupunta?"tanong ko ulit.

Pero hindi pa rin n'ya ko sinagot hanggang sa makarating kami sa parking lot. Pinagbuksan n'ya ko ng pinto ng kotse kaya nagpasalamat ako. Nakapasok na rin s'ya at nag-drive na.

"Unggoy saan ba tayo pupunta?" muli kong tanong.

"Sa bahay mo." sagot n'ya.

"Ano namang gagawin mo d'on?" tanong ko ulit.

"Ihahatid kita ano namang gagawin ko d'on, doon ako matutulog? tss." sagot n'ya.

"Nagtatanong lang naman e galit kaagad, Unggoy ka talaga."sabi ko at nag-pout.

"Don't call me monkey." bigla n'yang sabi.

"Ayoko nga hmp!" tumingin ako sa labas ng bintana.

"I will kiss you if you don't stop calling me monkey." nagulat ako sa sinabi n'ya kaya nilingon ko s'ya.

"Eh kung sapakin kaya kita." mataray kong sabi.

"I'm not joking." seryoso n'yang sabi.

"Hindi ko nga mapigilan na tawagin kang unggoy----." napatigil ako sa pagsasalita ng sunggaban n'ya ko ng halik sa pisngi.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Donde viven las historias. Descúbrelo ahora