CHAPTER 88

980 51 0
                                    

Tayler's POV.

Kasama ko ngayon sina Justine dito sa tambayan namin. Nagtaka ako kanina dahil parang may kakaiba kay Maxine. Naging close na sila n'on nung Axill. Ano kayang nangyari d'on sa babaeng 'yon at hindi man lang ako kinakausap.

"Dre, nasa'n si Max?" tanong sa'kin ni Cairo.

"Nasa library kasama si Axill." sagot ko sa tanong ni Cairo.

"Diba yung bago nating kaklase 'yon?" sabi pa ni Cairo.

"Oo."-Justine.

"Pupuntahan ko lang s'ya para kasing may hindi tama." sabi ko at tumayo na.

Nakababa na'ko ng roof top. Agad akong naglakad papunta sa library. Pagkapasok ko sa loob ay agad kong hinanap si Max. Nakita ko s'ya sa bandang dulo nitong library kasama si Axill, mukhang nag-uusap silang dalawa. Pumunta ako sa kanila at agad na hinatak si Maxine.

Agad ko s'yang nilabas sa library at pumunta sa likod n'on. Bigla ko s'yang nabitawan."Ano ba Tayler bakit mo'ko hinatak?"parang naiinis n'yang tanong.

"May problema ka ba sa'kin?" nagtanong din ako.

Natawa s'ya. "Oo." sagot n'ya naman."Tayler pinaghintay mo'ko kahapon sa harap ng school. Halos 50 minutes akong nakatayo para lang hintayin ka pero 'di ka na bumalik?"Sabi n'ya sa'kin. "Bawat salita mo Tayler pinanghahawakan ko tapos gan'on-gan'on lang 'yon sayo?" sumeryoso ang mukha n'ya."Bigyan mo'ko ng maganda at sapat na dahilan kung bakit hindi ka bumalik."sabi pa n'ya.

"Nakatulog ako sa bahay nina Lisa kagabe." Sabi ko.

Tumawa ulit s'ya. "Hindi mo man lang ako naisip? Pinaghintay mo'ko Tayler. Magiisang oras akong nakatayo at hanggang ngayon masakit pa rin ang paa ko. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil naghihintay ako kung magte-text or tatawag ka pero sa lahat ng 'yon wala akong matanggap mula sayo." nagulat ako sa mga sinabi ni Maxine pero hindi ko na lang pinahalata.

"Napatagal lang yung paguusap namin, pinagbigyan ko kasi s'ya tapos 'di ko namalayan na napatagal na pala." sabi ko sa kanya at bigla na lang n'ya ako sinampal.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now