CHAPTER 118: MS. HEMELTON HIGH.

834 30 0
                                    

Maxine's POV.

Pagkatapos kong mag-perform ay bumaba na'ko. Inalalayan pa'kong makababa ni Tayler. Nagulat talaga ako sa mga nangyari at hindi ko pa inaasahan na gagawin 'yon ni Tayler. Pumasok muna kami sa dressing room. Nakita kong sumunod sa'min yung apat gan'on na rin yung tatlong kaibigan ni Tayler.

Nakita kong pinagpapawisan si Tayler. Tumakbo ba naman s'ya kanina dala-dala yung piano ng s'ya lang mag-isa."Teka Tayler magpapalit lang ako."sabi ko sa kanya tapos ay hinalikan ko s'ya sa lips pero yung smack lang."Thank you d'on sa kanina."nagiwan pa'ko ng matamis na ngiti sa kanya tapos ay iniwan ko muna s'ya saglit.

Kinuha ko na yung gown at heels pagkatapos ay pumasok na'ko d'on sa kwartong pinagbihisan ko kanina. Hindi naman nagtagal ay natapos na'ko. Lumabas na'ko at pinuntahan sila."Upo kana Max, para maayusan ka na namin."-Yna.

Agad kong ginawa ang sinabi n'ya."Max, nasabi pala sa'min ni Andrea yung mga nangyari sayo."biglang nagsalita si Liam.

"Sinasabotahe ka yata Max."-Cairo.

"Aalamin ko kung sino yung gumagawa nito sayo."-Tayler.

"Wag na Tayler tamaan na lang sana ng kidlat kung sino man yung gumawa sa'kin n'on."napatingin pa'ko kay Zerene na naglalakad papunta d'on sa pagbibihisan n'ya.

Tapos na'kong ayusan nina Andrea kaya tumayo na'ko."After five minutes Max, umakyat kana for q and a."sabi sa'kin ni Yna.

"Wag kang kakabahan Max."sabi naman sa'kin ni Sunny.

"Susubukan ko."yumuko ako matapos kong sabihin 'yon.

Kinuha ni Tayler ang kamay ko at hinawakan."Wag kang kakabahan. Magtatanong lang yung MC hindi ka papatayin n'on."natawa ako sa sinabing 'yon ni Tayler.

"Siraulo ka talaga."natatawang sabi ko."Nagugutom na'ko."sabi ko na lang. Biglang tumunog yung tyan ko kaya napahawak ako d'on."Hehehe."nahihiya pa'ko.

"Max tapos na ang limang minuto mo. Akyat kana sa stage."si Andrea.

"Goodluck."hinalikan pa'ko ni Tayler sa cheeks pagkatapos ay tumayo na'ko.

Bigla akong tinapik nina Justine sa braso."Goodluck Max."-Justine.

"Kaya mo 'yan Max!"-Cairo.

"Just enjoy and chill Max."-Liam.

Nginitian ko na lang sila pagkatapos ay lumabas na'ko ng dressing room. Bago ako umakyat ng stage ay tinignan ko muna silang lahat."Fighting Max!"sabay-sabay nilang sabi.

Parang mas lalo akong ginanahan sa sinabi nilang 'yon. Pumunta na'ko sa pwesto ko. Binigyan ako nung mic nung lalaki."And now for the question and answer portion. Contestant number 13 please proceed."sabi nung MC.

Nagpakawala muna ako ng maikling hininga pagkatapos ay naglakad na'ko papalapit d'on sa MC."Good afternoon."nakangiti akong bumati sa MC.

"Good afternoon too. For your question. Ahm what does it feel every time you are with your dad, father?"tanong sa'kin nung MC.

Bigla akong kinabahan. Bumilis din ang tibok ng puso ko. Hindi ko inaasahan na itatanong sa'kin 'yon ng MC. Siguro kailangan ko ng sabihin sa MC kung ano yung mga na-experience ko nung nakakasama ko pa si papa. Nagpakawala muna ako ng maikling hininga.

"Ano ba yung pakiramdam sa tuwing kasama ko yung papa ko? Ahm sa totoo lang patay na yung tatay ko pero para sa'kin masarap sa pakiramdam na lagi o palagi kong nakakasama yung tatay ko. Alam kong kasama ko pa rin s'ya kahit nasa langit s'ya. Sa bawat paglalakad ko alam kong tinitignan at pinagmamasdan n'ya ako. Masarap, at masaya sa pakiramdam ang nakakasama ko ang tatay ko noong bata pa'ko o kami ng kuya ko kahit magpahanggang ngayon masaya pa rin."-ako.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now