CHAPTER 169

910 39 2
                                    

Justine's POV

Tumigil kami sa pagmamaneho dahil nakarating na kami sa destinasyon namin. Nakita namin na may pinasok sa isang Van, si Maxine 'yon pero bakit kasama niya sina Axill at Ian? Kinuha ko ang phone ko at tinext ko sina Cairo at Liam na sundan ang Van na pinagsakyan nila kay Maxine. Ilang saglit pa ay umalis na ang Van kung saan nakasakay si Maxine. Nasa likuran ko lang ang sasakyan ng magkapatid na Collins. Madami pang sasakyan dito. Ilang saglit lang din ng makaalis ang Van ay sumunod na sina Cairo.

Hinabulan ko pa sila ng tingin. Nang mawala na sila sa paningin ko at hindi ko na sila kayang tanawin pa, binalingan ko na lang yung mga sasakyan na narito. May mga guard na nakatayo sa harap, likod at sa bawat gilid pa ng mga sasakyan. Ilang minuto lang ang nakalipas ng may mga taong dumating, i mean yung sumakay sa mga sasakyan na nakaparada. Nakita ko si Mr. Fuegeras? Zerene? Isang babaeng hindi pamilyar sa akin at mga lalaking nakasuot ng bonet sa mukha na kala mo ay kidnapper.

Lahat sila ay nag-alisan na. Naghintay muna ako ng ilang saglit para hindi nila ako mahalata. Nang masiguro ko na nakalayo na sila ay bumaba na ako ng kotse. Nilingid ko pa ang buong paligid habang dahan-dahan at tahimik akong naglalakad. Tinignan ko ang pinanggalingan nina Zerene. Nakita ko ang bahay na katamtaman lang ang liit. Tahimik ng paligid. Nakita ko ang sasakyan ni Tayler. Lumapit pa ako lalo.

Sumilip ako sa bintana. Mukhang may mga naiwan dito. Nagbabantay sila. Biglang umalis ang isa. Agad akong naghanap ng mapagtataguan. Lumabas siya. Nagmadali akong pumasok sa loob. Nakatalikod ang naiwan. Kinuha ko ang kutsilyong nasa likod ko at sinaksak ko siya patalikod. Ilang beses ko siyang sinaksak at dahan-dahan ko siyang hiniga. Wala akong choice kundi ang gawin ito dahil kapag hindi ko siya napatay ay baka ako ang mapuruhan ng isang 'to.

Pinihit ko na nag door knob nitong pinto, nakalock. Kinapkap ko sa lalaki ang susi ng biglang bumukas ang pinto."Sino ka!"yung lalaking lumabas kanina.

Sinugod niya ako. Tumayo ako at nagtutukan kami ng patalim. Binato ko ang patalim ko sa tiyan niya na sa tingin ko ay bumaon naman. Dahan-dahan siyang napaupo habang nakahawak sa kutsilyong ibinato ko sa tiyan niya. Naglalaway na siya ngayon ng dugo hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay. May nakita ako sa kamay niya na susi. Agad ko 'yon na kinuha sa kanya at nagmadali akong buksan ang pinto. Nang mabuksan ko ay nakita ko si Tayler na nakabulagta sa sahig.

Tumakbo ako papalapit sa kanya. Nakadapa ang posisyon niya sa semento. Hinarap ko siya sa akin."Tayler?"banggit ko sa pangalan niya na sinabayan ko ng sampal."Tayler gumising ka diyan!'sinubukan ko siyang sigawan pero hindi siya nagising."Chestnut."bulong ko sa tenga niya.

Gumalaw ang kamay at ulo niya. Idinilat niya na ang mga mata niya."N-nasa'n si Maxine?"agad niya akong tinanong.

"Isinakay siya sa Van kasama nina Axill. Pinasunadan ko sa dalawang kulugo yung Van."sagot ko sa kanyang tanong habang tinutulungan ko siyang makatayo."Mukhang kailangan na kitang dalhin sa ospital."sabi ko pa sa kanya.

"Dadalhin mo lang ako da ospital kapag nagaagaw buhay na 'ko. Ang kailangan nating gawin ngayon ay habulin sina Maxine dahil malakas ang kutob kong may gagawing kalokohan si Axill sa kanya."-Tayler.

"Kaya mo bang maglakad?"tumango-tango na lang siya sa sinabi kong 'yon."Ano nangyari at paano ka nabugbog?"tanong ko pa sa kanya.

"Mamaya ko na sasagutin 'yan."si Tayler.

May naramdaman ako na hindi lang kami ni Tayler ang narito. Dahan-dahan akong lumingon sa kanan ko at nakita ko ang kapatid ni Maxine?"Wooo."natakot ako ng kaunti na sinabayan ko pa ng pag-atras."T-teka si Alexander ba 'to?"utal na tanong ko kay Tayler."Alam kong pagod lang ako pero ba't ko nakikita si Alexander?"wirdong-wirdong sabi ko.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now