CHAPTER 75

1.1K 58 0
                                    

Tayler's POV.

Pagkatapos kong magbihis ay humiga kami ni Maxine. Agad s'yang nakatulog. Yakap-yakap n'ya pa'ko habang tulog s'ya. Ang sarap sa feeling na nakatabi ko ngayon yung babaeng pinakamamahal ko. Ang sarap din pagmasdan ng mukha ni Maxine. Kahit tulog ay ang ganda pa rin ng mukha n'ya. Hindi ko lubos maisip na ganito ko lang kadaling nakuha si Maxine. Ang akala ko kasi ay patatagalin n'ya pa.

Mahal na mahal ko talaga si Maxine at gagawin ko ang lahat wag lang s'yang mawala sa'kin. Proprotektahan ko s'ya sa mga nagbabalak na saktan s'ya. Ang totoo n'yan ay lagi kong sinusundan si Maxine kahit saan man sya pumunta dahil gusto kong masigurado na ligtas s'ya. Kaya nga gusto ko na lagi s'yang kasama para sigurado na walang mangyayaring kung ano sa kanya.

Kapag si Damon ang nagsusundo o naghahatid sa kanya ay nakasunod pa rin ako sa kanya. Pag may gagawin naman ako ay sina Justine ang sinasabihan ko.

Inalis ko muna sa pagkakayakap si Maxine dahil may gagawin ako. Dahan-dahan kong inalis sa'kin ang kamay n'ya. Nang makaalis ay pinalitan ko ng unan para kunwari ay ako pa rin ang kayakap n'ya.

"Baby aalis lang ako saglit okay? babalikan kita kaagad. I love you." sabi ko sabay hinalikan ko s'ya sa noo.

Kinuha ko ang susi ng kotse ko at cellphone ko at dinayal ang number ni Justine."[Oh dre mag kailangan ka?]"tanong ni Justine.

"[Magkita tayo dito sa'min d'on sa may café malapit dito sa bahay may kailangan tayong pag-usapan. Tawagan mo din yung dalawa.]"-ako.

"[Sige dre.]" pagkasabi ni Justine n'on ay binaba ko na ang tawag.

Lumabas nako nang bahay. Binuksan ko muna ang gate para malabas ko ang kotse ko. Nang mabuksan ko ang gate ay pumasok naman ako sa loob ng kotse at nilabas 'yon. Matapos kong ilabas ang kotse ko ay bumaba ako at sinara na ang gate. Bumalik na'ko sa loob ng sasakyan ko matapos kong isara ang gate. Nagsimula na'kong mag-drive.

Nang makarating ako dito sa café malapit sa bahay ay tinabi ko na ang sasakyan ko at bumaba na. Agad akong nahanap ng bakanteng upuan na pwedeng apatan. Nang may mahanap ako ay agad akong umupo..

"Good afternoon sir can i know your order?" tanong sa'kin nung waiter.

"Only cappuccino." sagot ko d'on sa waiter.

"Okay sir, one cappuccino. Wait for 5 minutes sir." sabi n'ya at tinanguan ko na lang s'ya pagkatapos ay umalis na. Pagkalipas ng limang minuto ay dala na n'ya ang in-order ko."This is your cappuccino sir."sabi n'ya at inilapag na sa lamesa ang i-order ko."120 pesos po sir."

Kumuha ako sa wallet ko ng 120 pesos at binigay sa kanya pagkatapos ay umalis na s'ya. Ininom ko na ang cappuccino na in-order ko at tumingin na lang sa pintuan nitong café. Babasagin ang pintuan kahit ang gilid nito kaya kitang-kita mo ang labas. Nakita ko na si Justine kasama sina Cairo. Pumasok na sila dito sa loob. Agad naman nila akong napansin.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now