CHAPTER 96

1K 43 1
                                    

Maxine's POV.

Nagaayos na'ko ng gamit ngayon dahil lunch break na. Napagusapan nila na sabay-sabay na lang kami kumain kasama sina Tayler at ang mga kaibigan n'ya. Lalo kaming nag-ingay kanina dahil si Clyde nahalikan si Cairo sa noo *laughs* Hindi talaga mabubuo ang isang classroom ng walang bakla. Mas masaya kasi kung may bakla sa classroom n'yo plus yung mga classmate mong nakakatawa yung tawa o marinig mo lang boses n'ya natatawa kana.

"Tara na?" narinig ko ang boses ni Andrea sa likod ko.

Sakto, tapos na'kong mag-ayos kaya binitbit ko na ang bag ko at humarap sa kanya."Tara na."sabi ko.

"Let's go!" sabi ni Cairo.

Una silang lumabas. Nasa likod nila kami. Kasama ko si Tayler. Magkahawak na naman kami ng kamay uwuuu T^T <3 Gustong-gusto ko talaga kapag may humahawak sa kamay ko eh lalo na kung yung hahawak ng kamay ko ay mahaba ang mga daliri at medyo maugat hehehe, Alam n'yo na 'yon hehehe.

Natawa ako sa iniisip ko."Bakit ka tumatawa?"tanong ni Tayler.

"May pagka-abnormal 'yan si Max eh bigla-bigla na lang tatawa." singit ni Andrea.

"Pag-ganyan may naiisip 'yang kalokohan." rinig kong Sabi ni Yna."Alam ko na yung iniisip mo 'teh, ikaw Maxine ah mahilig ka pala d'on. "

Nagulat ako sa sinabi ni Yna."Baliw ka talaga 'teh hindi ako mahilig d'on 'no."sabi ko naman sa kanya.

"Ano ba 'yon?" biglang nagtanong si Cairo.

Natawa sina Yna."Wag mo na nang alamin Cai."sabi ni Sunny.

Tumingin bigla sa'kin si Cairo."Bakit namumula yung pisngi ni Maxine?"nagtanong ulit si Cairo.

Medyo yumuko ako. "W-wala 'to." napakagat labi pa'ko.

"Your lying." sabi ni Tayler

Tinignan ko s'ya at inalis ko ang kamay ko sa kamay n'ya."H-hindi ha!" sabi ko.

Bigla akong napatid kaya napaupo ako at nasubsob ang tuhod ko."Yan kase, landi pa ha?"-Zerene.

Tinignan ko ang tuhod ko, may sugat. Tinulungan ako ni Tayler na tumayo. Nang natayo n'ya ko at nakita kong lumapit s'ya kay Zerene. "Wag mong sinasaktan si Maxine." pagkatapos sabihin 'yon ni Tayler ay sinampal n'ya si Zerene.

Biglang  may sumuntok kay Tayler. "Wag mong sinasaktan ang babae!"si Damon.

Sasapakin na sana ni Tayler si Damon pero agad ko s'yang pinigilan." Tama na."mahinang sabi ko kay Tayler.

"Ano Maxine aasa ka lang ba kay Tayler? Ang duwag mo naman." sabi n'ya habang nakahawak ang kamay n'ya s pisngi n'ya.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now