CHAPTER 124

899 37 0
                                    

Maxine's POV

Tapos na 'kong maligo at nakapagbihis na rin ako. Nakakain na rin ako kaya ready na 'kong umalis. Binitbit ko na yung dalawang bag ko. Yung sa pang-gym bag dahil may practice kami sa cheer leader mamaya pagkatapos ng klase. Sinara ko muna yung pinto pagkatapos ay bumaba na 'ko ng hagdan. Kita kong nakahiga si kuya sa sofa tapos ay nagse-cellphone s'ya. Routine n'ya 'yan araw-araw. Pero kahit gan'on mataas pa rin grades n'yan ni kuya.

"Kuya aalis na 'ko."pagpaalam ko kay kuya

"Hindi ka ba susunduin ni Tayler?"tanong pa n'ya.

"Hindi muna ako sasabay sa kanya."sagot ko naman. Saktong pagkatapos kong sabihin 'yon ay may kumatok sa pinto ng bahay."Ako na."sabi ko tapos ay naglakad ako papalapit sa pinto habang bitbit-bitbit ko yung nga bag ko. Nakayanan ko namang buksan yung pinto."Tayler?"sabi ko ng makita ko si Tayler."Anong ginagawa mo dito?"tanong ko.

"Sabay tayong papasok."agad s'yang sumagot. Wala na namang ekspresyon ang mukha n'ya. Hindi ko din maramdam yung presensya n'ya.

Nagtaka ako."Diba may practice kayo ng basketball?"

"Oo. Nagpaalam ako kay coach na hindi muna ako magpa-practice ngayon at pinayagan naman n'ya ako."-Tayler.

"Gan'on ba."pagkasabi ko n'on ay kinuha n'ya yung isa kong bag."Kuya aalis na kami!"sigaw ko kay kuya

"Ingat kayo!"sigaw naman n'ya sa 'min.

"Ma-defeat ka sana!"sigaw ko pa.

Rinig kong natawa pa si kuya. Bigla na lang kinuha ni Tayler yung isang bag ko at binitbit. Sinara ko na yung pinto ng bahay. Nilagay n'ya yung bag kong binitbit n'ya sa back seat. Nauna s'yang sumakay sa 'kin kaya naman sumunod na din ako. Sinara ko muna yung pinto ng sasakyan n'ya pagkatapos ay nagseat belt muna ako. Nagmaneho na s'ya. Hindi s'ya nagsalita sa byahe papuntang school. Alam kong hindi galit sa 'kin si Tayler. Sabi n'ya kasi na hindi s'ya basta-basta nagagalit sa mga mababaw na dahilan lang

Ano kayang nangyayari sa kanya ngayon? Wala namang kakaiba sa kanya ni hindi ko nga maramdaman na galit s'ya eh or kung ano. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Bigla na lang ako nakaramdam nag hilo kaya napahawak ako ulo ko."Ayos ka lang?"biglang nagtanong si Tayler.

"O-oo."nauutal akong sumagot."Nahihilo lang naman. Wala 'to."sabi ko pa.

"Gusto mo bang pumuntang clinic pag nakarating na tayo sa school?"alok n'ya pa sa 'kin.

"Hindi na kailangan."pagtanggi ko sa alok n'ya."Mawawala din naman siguro 'to."sabi ko pa.

"Sigurado ka?"paniniguro pa n'ya.

"Sabing oo nga! Pwede ba 'wag kang makulit?"inis na sabi ko. Hindi na s'ya nagsalita pa ng sabihin ko 'yon."P-pasensya na."paghingi ko ng tawad."H-hindi ko sinasadyang s-sigawan ka Tayler."sabi ko pa.

"Alam ko."kalmadong sabi n'ya."At kung sa tingin mo galit ako, hindi. Alam mo naman 'diba na hindi ako basta-basta nagagalit sa mga mababaw lang na dahilan."sabi pa n'ya.

"H-hindi ko nakakalimutan 'yon."

"Iwasan mo nga ang mautal."

"H-hindi ko m-maiwasan."

Mukhang binalewala na lang n'ya yung sinabi kong 'yon. Nakakainis talaga 'tong si Tayler. Hindi ko pa rin nakalimutan yung pangangasar n'ya kagabi nung pauwi na kami. Hindi ko alam kung boyfriend ko pa ba 'to. Sa lahat ng mga sinasabi ni Tayler minsan lang s'ya kung magbiro. Seryoso kasi s'ya sa lahat lalo na sa mga bagay na dapat nga talagang seryosohin. Minsan nga lang naiirita na 'ko. Minsan ko na lang din s'ya makitang nakangiti.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now