CHAPTER 120

876 34 1
                                    

Maxine's POV

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo na naramdaman ko. Pagmulat ng mga mata ko ay isang pamilyar na kisame ang nakita ko. Tinignan ko ang buong paligid. Kwarto ito ni Tayler. Hindi ko namalayan na may katabi pala ako. Si Tayler. Mahimbing s'yang natutulog habang yakap-yakap ako. Tumagilid ako para magkaharap kami. Mukha s'yang isang maamong pusa kapag tulog pero kapag galit alam kong nagiging tigre ang isang 'to.

Hinawakan ko ang mukha n'ya. Napakakinis ng mukha n'ya. Parang s'yang babae, ang linis sa mukha. Wala kang makikitang kahit ano, kahit pimples."Baka nagsawa ka n'yan."bigla s'yang nagsalita. May hinigpitan n'ya pa ang yakap n'ya sa'kin. Nakakumot kaming pareho."Ayos ka lang ba?"tanong n'ya sa'kin.

"Oo naman."agad akong sumagot."Sa tuwing nakakasama kita ayos na ayos ako. Pero sa mga oras na hindi kita kasama or nakakasama nagaalala ako."sabi ko pa.

Biglang lumuwag ang pagkakayakap n'ya sa'kin."Walang mangyayari sa'kin at maski sayo. Hindi ako papayag na may mangyaring kahit ano sayo. Hawakan palang nila ang mga kamay mo parang gusto ko ng pumatay ng isang batalyon na gangsters."sabi naman niya.

Natawa ako sa sinabi n'yang 'yon dahil medyo na-corny-han ako."Ewan ko sayo."pagkatapos kong sabihin 'yon ay bigla n'ya akong hinalikan sa labi.

Parang napawi ang lahat ng pagod ko ng halikan ako ni Tayler. Madami din kasing nangyari ngayon araw at hindi ko pa inaasahan yung iba. Parang ayoko ng humiwalay sa pagkakayakap at pagkakahalik namin ni Tayler. Parang ngayon ko lang kasi naramdaman yung labi n'ya. Iba yung datingan ng pag-galaw ng labi n'ya, ang bawat pagdampi ng mga dila namin sa isa't-isa. Parang uhaw si Tayler sa halik ko ngayon.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang buong pangyayaring nangyari kanina habang wala akong malay. Gigil na gigil si Tayler habang hawak ang batok ko. Ramdam ko 'yon dahil sa paghalik na ginagawa n'ya sa'kin. Dinilat ko ang mga mata ko. May nakita akong luhang lumalabas sa mga mata ni Tayler? Pero bakit? Bakit s'ya umiiyak?

Bigla na lang s'yang tumigil."Tayler anong problema? Bakit ka umiiyak?"alalalang tanong ko sa kanya."Tayler sagutin mo naman ako oh. Nagaalala ako sayo Tayler please?"gusto ko ng umiyak dahil nakikita ko si Tayler na umiiyak."Tayler naman..."

"Maxine..."lalo s'yang humagulgol ng iyak. Hindi ko alam yung dahilan kung bakit umiiyak si Tayler at bakit ayaw n'ya sabihin yung dahilan."M-maxine please promise me t-that you will s-stay with m-me.."

Naguguluhan man pero mamangako na lang ako sa kanya kung yun naman ang ikabubuti ng pakiramdam n'ya."I promise. I promise that i will stay with you until i can breath."sabi ko kay Tayler habang nakayakap ako sa kanya."Tumahan kana Tayler. Ang sakit kayang makita kang nagkakaganyan. Para akong tinatanggalan ng hininga."sabi ko pa.

"Guess it's true, I'm not good at a one-night stand"

Nagulat ako ng biglang kumanta si Tayler habang umiiyak? Malalim ba yung iniisip n'ya kaya s'ya umiiyak? Hindi ko s'ya maintindihan ngayon.

"But I still need love 'cause I'm just a man"

Hindi ko alam kung matutuwa, masisiyahan or malulungkot ako.  Naguguluhan na'ko sa mga nangyayari kay Tayler.

"These nights never seem to go to plan. I don't want you to leave, will you hold my hand?"

Kumakanta s'ya habang umiiyak tapos yakap-yakap ako? Gusto ko s'yang pigilan sa pagkanta pero parang napapakalma s'ya ng kanta.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now