CHAPTER 21

1.7K 86 0
                                    

Maxine's POV.

Dinala ako ni kuyang holdaper sa isang abandonadong bahay, malaki ito. Nakatutok pa rin sa'kin yung baril n'ya. Hindi ko kayang manlaban dahil may baril s'ya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at sobra din ang nararamdaman kong takot.

Bigla naman akong tinulak ni kuyang holdaper."Hubad, mag hubad ka!"sigaw n'ya.

"Kuya please w-wag po..." pagmamakaawa ko.

Tinutok n'ya sa'kin ang baril "Ayaw mong maghubad? Gusto mo bang ako pa ang maghubad sayo ha?!" galit n'yang sabi.

"Nakawan mo na lang ako kuya please... Pakawalan mo na ko dito..." nagmamakaawa pa rin ako.

Lumapit s'ya. "Manahimik ka!" hinawakan n'ya ko sa baba."Kapag hindi ka nanahimik babarilin kita, ano gusto mo?!"galit n'yang sabi.

Anong gagawin ko.... Please ayoko na.... Kailangan ko ng tulong...sabi ni Damon isigaw ko lang ang pangalan n'ya kung kailangan ko ng tulong.. Damon... Damon....

"Damon!" sigaw ko sa pangalan ni Damon.

"Ang kulit mo sabing manahimik ka!"mukhang sasampalin ako ni kuyang holdaper kaya napapikit na lang ako.

Ilang minuto pa ang lumipas ay wala pa rin ang palad n'ya sa pisngi ko kaya idinilat ko na ang mga mata ko. Nagulat ako ng makitang nakabulagta na si kuyang holdaper. May nakita akong lalaki pero 'di ko makita ang mukha n'ya dahil sa dilim.

Umiiyak pa rin ako hanggang ngayon. Nanginginig at Sobra pa rin ang takot. Bigla namang naglakad yung lalaki palapit sa'kin kaya napaatras naman ako kahit nakaupo.

"Safe kana." umupo din s'ya sa tabi ko. Nagulat ako dahil pamilyar ang boses n'ya. Alam ko kung kanino ang malalim na boses na 'yon.

Agad akong lumapit sa kanya at sinunggaban s'ya ng yakap."T-tayler... "

"Nandito na'ko wag ka ng umiyak, hindi kita pababayaan." medyo kumalma ako ng binulong n'ya sa'kin 'yon.

"T-tayler p-please wag m-mo 'kong i-iwan dito k-ka lang..." mangiyak-ngiyak kong sabi.

"Dito lang ako hindi kita iiwan." sabi n'ya at niyakap ako.

Feeling ko talaga safe ako kapag si Tayler yung kasama ko. Pangalawang beses na'to. Ang akala ko si Damon yung dumating n'ong sinigaw ko yung pangalan n'ya pero iba pala. Lalo kong nahigpitan yung yakap ko kay Tayler.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें