CHAPTER 6

2.7K 126 0
                                    

Maxine's POV

Ngayon ay oras na ni Sir. Bellares para magturo. Hindi ako makapag-focus mula pa kanina dahil sa kaiisip d'on sa kaklase naming lalaki. Wala siya ngayon at mukhang absent siya.

"Who's absent today?" tanong ni Sir sa'min.

"Only Tayler Lucas Fuegeras, sir." yung babaeng nasa harapan ang sumagot.

Tayler pala pangalan n'on.

"Okay thank you." may sinulat si sir d'on sa may parang papel."So today i'll start discussion."nagsimula ng mag-discuss si sir.

Hindi rin ako makapag-focus kahit sa oras ni sir. Hindi ko alam kung bakit ko iniisip ang lalaking 'yon. Kahit anong sabihin ni sir ay ayaw pumapasok sa utak ko at parang nasakop na ng lalaking 'yon yung isip ko.

Bakit kaya hindi siya pumasok ngayon? Siguro dahil dun sa sugat na natamo niya sa mga lalaki kagabi? Baka lumala 'yon!

"Maxine?"

Maayos na kaya yung lagay niya ngayon? Baka nasa ospital na siya! Baka mamaya naubusan siya ng dugo! Baka mamaya napano na siya!

"Maxine!"

Nahimasmasan ako ng may sumigaw."A-ano yun?" tanong ko.

"Alonzo, are you okay?" tanong sa 'kin ni sir.

Nakita kong nakatingin silang lahat sa 'kin."Opo s-sir." nauutal kong sagot.

"Are you sure? Kanina ka pa kasi naman tinatawag and i think may iba kang iniisip?"nakacross-arms sa 'kin na tumingin si sir.

"Yes s-sir, ayos lang po ako."hindi ko pa rin mapigilan ang mautal.

"Okay, let's go back to our discussion."sabi ni sir at bumalik na siya sa pagtuturo.

Ilang minuto pa ang lumipas ay natapos na ang oras ni sir at kasabay n'on ang pag-ring ng bell. Nagsitayuan na ang mga kaklase ko at lumabas na.

Para akong nag-mukhang tanga sa kakaisip sa Tayler na 'yon. Nagulo ko ang buhok ko at naiyuko ko naman ang ulo ko sa desk ko.

"Max, ayos ka lang ba?" nagaalalang tanong ni Andrea.

"Ayos lang ako, yung utak ko lang yung hindi."nagulo ko na naman yung buhok ko.

"Parang binagyo na 'yang buhok mo 'teh."pangangasar pa ni Sunny.

"What happened to you, Max?" tanong naman ni Lisa.

"Hindi ko matigil yung utak ko sa kakaisip sa Tayler na 'yon."mukhang nagulat sila ng sabihin ko 'yon.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now