CHAPTER 61

1.3K 61 0
                                    

Maxine's POV.

Matapos kaming kumain ng tanghalian ni Tayler ay nagprisinta akong ako na ang maghugas ng mga pinagkainan namin. Nangulit pa s'ya na s'ya na daw ang gumawa pero hindi ako pumayag dahil nga kagagaling n'ya lang sa disgrasya. Nand'on s'ya ngayon sa kwarto n'ya at may dala-dalang ice cream, 'yon daw ang dessert n'ya.

Pagkatapos maghugas ay nagpunas ako ng kamay d'on sa may nakasabit na towel sa itaas ng lababo. Medyo malaki talaga 'tong bahay ni Tayler sa tingin ko ay may swimming pool d'on sa likod nitong bahay n'ya. Habang wala s'ya ay pumunta ako d'on sa likod ng bahay n'ya. Pagkabukas ko ng sliding glass door ay pumasok na'ko.

Tama nga ang hinala ko, may swimming pool nga dito. Sa tingin ko ay nasa four to five feet ang lalim nito. Ang ganda pa dito dahil may mga puno, masarap mag-relax. Nakaramdam ako ng lamig dahil may dumaan na hangin. May lamesa at upuan din dito sa tabi ng pool.

"Namiss ko tuloy lumangoy." sabi ko sa sarili ko pagkatapos ay umupo ako d'on sa may upuan.

"Lumangoy ka d'yan." narinig ko ang boses ni Tayler sa likuran ko. Ramdam kong lumalapit s'ya sa'kin. Nakita ko s'ya na umupo sa harap ko na may dalang ice cream. "You want?"

"Mamaya na hehehe." sabi ko.

"Saan ang totoong bahay n'yo Maxine?" bigla s'yang nagtanong.

"Ah sa Puerto Prinsesa sa Palawan." sagot ko.

"The place of Puerto Prinsesa is so fucking beautiful." sabi ni Tayler habang kumakain ng ice cream.

"Sinabi mo pa." medyo natawa pa'ko.

"Do you want to visit that place again? Visit your old house?"-Tayler.

"Oo sana kaso puno pa yung mga schedule ko e."-ako.

"I see."-Tayler.

" Bakit nga pala singing contest ang sinalihan mo Tayler? "tanong ko sa kanya.

" Because singing is my hobby."sagot n'ya naman

"Hindi ka pa ba sumasali ng basketball?" sunod kong tanong.

"No." agad n'yang sagot.

"Sumali ka! Representative ang bagong team ng school natin. Malay mo bagay din pala sayo ang pagba-basketball tsaka sabi ni Damon next week na ang tryout nila." suhestyo ko.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now