CHAPTER 24

1.7K 95 0
                                    

Maxine's POV.

Bumaba ako para nagpaalam kay kuya na maglalakad-lakad lang sa labas, naboboring-an ako e. Nakita ko si kuya na nakaupo sa sofa at naglalaro na naman sa cellphone n'ya.

"Kuya." tawag ko sa kanya at nilingon n'ya naman ako.

"Bakit bunso?" tanong n'ya

"Lalabas lang ako kuya maglalakad-lakas lang ako babalik naman ako mamaya bago maghapunan." mahabang sagot ko.

"Wag ka nang lumabas bunso baka may mangyari na naman sayo." sabi ni kuya habang nakatutok ang mga mata n'ya sa cellphone.

"Akong bahala kuya d'yan lang naman ako e, please?" nag-pout pa'ko.

"Oo na basta kapag may nangyari tawagan mo kaagad ako ha?" ginulo ni kuya buhok ko.

"Opo gurang!" pangangasar ko.

"Ikaw ah nakakailan kana sa'kin!" sigaw sa'kin ni kuya at tinakbuhan ko s'ya palabas ng bahay.

May malapit na play ground dito sa'min doon na lang siguro ako pupunta. Ang sarap maglakad ng ganitong oras kahit mainit. Naalala ko pa n'on, naglalakad kami ni papa papuntang play ground.

Nakakamiss din maglakad. Medyo malayo yung play ground kahit sinabi ko kay kuya na malapit lang hehehe. After 15 minutes nakarating na'ko sa play ground. Walang mga bata pero may lalaki? Nakaupo lang s'ya sa isang bench at mukhang malungkot.

Medyo pamilyar 'tong lalaki mukhang si Tayler. Nilapitan ko pa s'ya. Si Tayler nga at umiiyak? Anong nangyari sa lalaking 'to at umiiyak na naman? Pero yung ngayong iyak n'ya ay grabe. Nagulat ako ng sipain n'ya yung bote ng coke kaya napaatras ako at bigla naman s'yang lumingon.

Hindi n'ya ko kinausap at yumuko na lang s'ya. Gusto ko s'yang lapitan at i-comfort pero baka magalit lang s'ya, basta bahala na lalapitan ko na lang s'ya. Nilapitan ko s'ya at umupo ako sa tabi n'ya.

"Okay ka lang?" tanong ko.

"May okay bang umiiyak?" pamimilosopo n'ya.

"Sorry naman." sinandal ko yung likod ko."Bakit ka umiiyak? May problema ka ba? Sabihin mo sa'kin dali makikinig ako."nakangiti kong sabi.

"Shut the fuck up." seryoso n'yang sabi.

Sobrang lungkot n'ya talaga ngayon at mukhang pinagsakluban ng langit at lupa yung mukha n'ya. May inisip akong gagawin kaso baka magalit lang s'ya basta bahala na.

Hinatak ko s'ya at bigla ko s'yang niyakap."Kung ayaw mong sabihin edi iiyak mo na lang hindi naman kita pipilitin e pero kung gusto mong sabihin, sabihin mo lang makikinig naman ako."sabi ko.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now