CHAPTER 5

2.7K 129 3
                                    

Maxine's POV

Matapos maligo ay nagbihis na 'ko. Ngayon ay nagpapatuyo na lang ako ng buhok. Habang nagpapatuyo ng buhok ay kinuha ko ang cellphone ko.

Tinignan ko sa missed call kung sino yung mga tumawag. Nakita kong 25 missed calls galing kay kuya at 5 missed calls galing naman sa unknown number.

Meron din akong mga messages. Galing din kay kuya, 10 unread messages at 6 messages galing naman d'on sa may unknown number. Binuksan ko yung message ng unknown number.

(1) Unread Message.

From:09********

"Maxine si Summer 'to nakauwi na 'ko, ikaw ba nakauwi na?"

(2) Unread Message.

From:09*********

"Maxine nag-aalala na 'ko."

(3) Unread Message.

From:09*********

"Maxine, sagutin mo naman yung tawag ko nag-aalala na 'ko.."

(4) Unread Message.

From:09*********

"Max please answer your fucking phone!"

(5) Unread Message.

From:09*********

"Maxine please..."

(6) Unread Message.

From:09*********

"Max please answer my calls!"

Si Summer pala yung unknown number. Sinave ko ang number niya sa contacts ko. Wala akong pangtawag o pangtext sa kanya. Kakausapin ko na lang siya pagkarating ko sa school mamaya.

Matapos magpatuyo ng buhok at makapag-ayos ay bumaba na 'ko. Nakita ko si kuya na nakaupo at mukhang naghihintay sa 'kin. Naka-short lang si kuya at naka-hoodie na kulay dilaw. Ang gwapo niya sa suot niyang 'yan. Napaka-boyfriend material kung titignan.

Nilapitan ko na siya."Kuya tara na baka na-late pa 'ko e."aya ko sa kanya.

"Tara na, suotin mo ulit 'to. Wag mo ng huhubarin." binato niya na naman yung jacket na kulay itim na sinuot ko kahapon.

Binaba ko muna ang bag ko at sinuot na iyon."Okay na Tara na."nginitian ko siya.

Sinundan ko si kuya palabas ng pinto. Ni-lock muna niya ang pinto pagkatapos ay sumakay na siya sa motor.

Nag-helmet muna ako bago sumakay. Nang matapos maisuot ay sumakay na 'ko at pinaandar na ni kuya. Ngayon na lang ulit ako ihahatid ni kuya sa school. Dati ay bantay-sarado niya 'ko sa bahay. Kahit naman magpahanggang ngayon.

Hindi traffic kaya nakarating kami kaagad sa school. Dumeretso si kuya sa parking lot ng kotse. Tinignan ko ang oras sa relos ko, 7:20 AM palang may sampung minuto pa 'ko.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Место, где живут истории. Откройте их для себя