CHAPTER 117: PAGEANT

833 33 1
                                    

Maxine's POV.

Kakarating lang namin sa parking lot ng school. Tinanggal na namin ang seat belt namin at pagkatapos ay bumaba na. Lumaoit sa'kin si Tayler at hinawakan n'ya pa ang kanang kamay ko. S'ya na ang nagdala ng bag ko tapos ay sabay kaming naglakad palabas ng parking lot. Kanina ay tumawag si Justine kay Tayler para sabihin na nandito na sila.

Sa gymnasium magaganap ang beauty pageant. Since malawak at malaki naman ang gymnasium doon na pinili ni Ms. Daffney na ganapin ang mangyayaring pageant. Kanina ay nasabi sa'kin ni Tayler na sa ibang court sila nag-practice pero dito pa rin daw sa loob ng school. Kung titignan ang buong paligid ay maraming tao, lalo na ang mga babae. Sila yung sasali sa beauty pageant.

Nakarating na kami sa gymnasium ni Tayler. Agad kaming nagpunta doon sa likod ng stage. May isa kasing room d'on na pwedeng pagpalitan ng damit namin."Maxine!"bumungad sa'kin si Yna.

"Tara na Max, suotin mo na 'tong gown para maayusan kana namin."sabi naman sa'kin ni Sunny.

"Tayler sa labas ka muna nand'on sina Justine hanapin mo na lang."baling naman ni Summer kay Tayler.

Tinanguan lang s'ya ni Tayler. Bigla akong hinarap ni Tayler."Goodluck baby."sabi sa'kin ni Tayler sabay kiss sa labi ko."Just enjoy this peagent okay?"sabi n'ya pa sa'kin habang hawak-hawak n'ya ang pisngi ko gamit ang kaliwa n'yang kamay."Win or lose its okay."pagkatapos n'yang sabihin 'yon ay nginitian pa n'ya ako tapos ay tuluyan na s'yang lumabas ng kwartong 'to, kung nasaan kami.

"Lets go na?"tumango na lang kaming lahat sa sinabing 'yon ni Lisa.

Malaki itong kwartong 'to na sa tingin ko ay may maraming room na pwedeng pagbihisan. Pumasok ako sa isang room kasama si Andrea. Dala-dala niya yung gown ko at yung heels."Hubad na Max."sabi sa'kin ni Andrea.

Medyo na-awkwardan ako sa sinabing 'yon ni Andrea pero sinunod ko na lang. Hindi naman nagtagal ay nahubad ko na ang suot kong pang-sibilyan. Matapos kong mabuhad ang pang-sibilyan kong damit ay sinuot ko na yung gown. Nang masuot ko na ang gown ay tinali na ni Andrea yung sa may leeg ko. Nanlalamig na ewan yung likod ko dahil yung sa likod ko ay walang suot or yung walang nakatapal.

Hindi bra ang suot ko. May pom na kasi 'tong gown ko sa harap. Umupo ako sa upuan para suotin naman yung heels pero pinigilan ako ni Andrea dahil nagprisinta s'ya na lang daw ang gumawa kaya naman hinayaan ko na lang. Tapos nang isuot sa'kin ni Andrea yung heels kaya naman tumayo na'ko. Saktong-sakto lang sa'kin yung heels medyo mataas nga lang pero kaya ko naman na maglakad na suot 'to nasanay na din kasi ako nung nagpa-practice ako.

Tinignan ni Andrea ang kabuuan ko matapos kong tumayo."Wow, Max."manghang sabi ni Andrea."Mukha kang prinsesa Max."sabi n'ya."Tara na Max para maayusan ka na namin."sabi n'ya pa sa'kin kaya naman lumabas na kami.

Bumulaga sa'min sina Yna."Max your so beautiful."manghang sabi ni Lisa.

"Ikaw na ba 'yan Max? Sobrang ganda mo!"-Sunny.

"Bagay na bagay sayo Max para kang isang prinsesa!"-Yna.

"Ayusan na natin si Max."-Summer.

Nagtanguan na lang sila sa sinabing 'yon ni Summer. Agad nila akong pinaupo sa harap ng malaking salamin at doon ko nakita ang sarili ko kahit hindi buo. Aaminin ko, nagagandahan din ako sa sarili ko ngayon. Hindi ko kasi expected eh. Sinimulan na'kong ayusan nina Andrea. Una muna nilang inayos ang buhok ko. Hindi naman gaano mahaba ang buhok ko, lagpas dibdib lang. Mukhang itatali nila ang buhok ko. Tapos na nilang suklayan ang buhok ko. Nakita kong may tinira silang kaunti sa may noo ko sa magkabilang gilid tapos ay papuson nilang tinali ang buhok ko? Kinulot nila ng kaunti ang natirang buhok sa harap ko.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now