CHAPTER 140

794 35 0
                                    

Maxine's POV

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. Inabot ko 'yon para ma-off na. Nang maabot ay i-off ko na. Swerte naman na hindi ako nahulog. Mukhang ngayon na lang ulit 'to nangyari. Sa totoo lang, tinatamad akong pumasok ngayon pero kailangan. Hindi dapat ako lumiban sa practice namin ngayon. Dalawang buwan na lang bago magsimula ang Interhigh. Kaba dahil baguhan at ngayon lang ako naka-experience ng ganito.

Hay... Nakakapagod talaga. Tapos yung mga nangyari kahapon? Ayon, hindi ko pa rin nalilimutan. Hindi nga ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip kung sino ang gumawa n'on sa 'kin pero si Justine yung nasasaksak imbis na ako. Kung sino man 'yon wala s'yang pagaalinlangan na pumatay pero sa tingin ko lalaki yung gumawa n'on. Imposible namang si Zerene dahil kung titignan mo yung taong sumaksak kay Justine eh halatang lalaki.

Tumawag sa 'kin si Justine kagabi. Sabi n'ya hindi na daw ipaiimbestigahan yung nangyari kasi nagplano na daw sila ni Tayler na sila na lang daw yung magiimbestiga. Wala daw kasing tiwala si Tayler sa mga pulis kaya 'yon nagdesisyon na lang na sila na yung gumawa. Yung mga kulugong 'yon talaga. Para silang magkakapatid. Kung ano yung gusto ng isa, 'yon na din gusto ng lahat. Si Mystery din tumawag kagabi.

Dahil din sa kanya hindi ako nakatulog eh panay ba naman text ng text. Ang sakit na kaya ng mga daliri ko sa kaka-type. Biglang may nag-pop na message sa 'kin. Agad kong kinuha ang phone ko sa may lamesa na nasa gilid ng kama ko."Kaya ayokong isipin eh dumadating kaagad."sabi ko ng makita ko kung sino yung nag-text.

(1) Received Message

From: Mystery

"Good morning darling!"

"Mukha tuloy arabo 'tong isang 'to."sabi ko nang mabasa ko ang text message na 'yon ni Mystery.

Compose Message

To: Mystery

"Morning."

Sent.

(1) Received Message

From: Mystery

"Honeybuch naman? Galit ka pa sa 'kin? Dahil ba hindi kita pinatulog kagabi?"

Compose Message

To: Mystery

"Bakit ka pa nagtatanong kung alam mo din naman? Tse!"

Sent.

(2) Received Message

From: Mystery

"My loves 'wag ka naman ganyan sa 'kin please? Ang aga- aga eh."

From:09*********

"Bakit kasi hindi ikaw yung nasa ospital ha? Ang tanga talaga ng kaibigan mo 'no?"

"Sino 'to?"sabi ko pa nang mabasa ko ang text ng isang unknown number.

Compose Message

To:09*********

"Sino ka?"

Sent.

Compose Message

To: Mystery

"Pwede ba 'wag ka munang makulit? May isa pa 'kong ka-text ah."

Sent.

(1) Received Message

From:09*********

"Pa'no kung ayokong magpakilala may magagawa ka ba?"

Compose Message

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now