CHAPTER 144

710 42 0
                                    

Tayler's POV

Malapit na kami ni Maxine sa bahay niya. Nakatulog siya habang pauwi na kami. Natigil ko ang sasakyan dahil sa traffic. Kanina, hindi ko na nakontrol yung sarili ko kaya nasabi ko na lang yung mga 'yon kay Maxine. Totoo talagang seloso ako. Ni hindi 'yon alam nung tatlong kulugo. Kahit si Justine na pinakamalapit sa akin hindi niya alam. Ayoko kasing ipakita sa ibang tao yung mga ugali kong gan'on. Hindi naman sa nahihiya ako, ayaw ko lang talaga.

Ilang taon ko 'yon tinago. Kapag hindi ko na kasi matago yung isang bagay, kusa ko na lang nalalabas 'yon kahit ayaw ko. Masakit talaga para sa akin yung mga nakikita ko kapag may kasamang iba si Maxine. Hindi ko nga akalain pati kay Justine magseselos ako, ibang klase. Hindi ko naman kontrolado si Maxine para pagbawalan sa mga bagay na kailangan talaga mangyari. Ni kahit buhok ni Maxine, ayokong nahahawakan ng kahit sino mang lalaki pero wala akong magawa.

Ayoko muna ng gulo ngayon dahil nagpapalamig pa ako ng ulo. Nabwibwisit ako kay Damon, kingina. He's a peace of shit. Napakababaw niyang tao. Mukhang bawat araw ay bwibwisitin niya ako. Kapag talaga ako hindi nakapag-pigil at kapag walang pumigil sa akin mapapatay ko yung utak lisa na 'yon. Gusto kong mag-concentrate sa pagpa-practice ng basketball pero lagi siyang nandiyan para mang bwisit.

Baka unahin ko siya kesa sa mga kalaban ko. Baka din mabalitaan ko na lang na nakipag-team up siya kay Zerene. Ayoko sa lahat yung ay yung mayayabang, mabilis maginit ang ulo ko sa mga gan'on. Nakapasok na ako ng village. Kaunti na lang ay malapit na kami sa bahay nina Maxine. Tulog pa rin siya hanggang ngayon. Siguro ay napagod siya sa kakapractice kanina. Kapaguran nga naman.

Itinabi ko na ang sasakyan ko sa tapat ng bahay nina Maxine. Tinanggal ko na ang seat belt ko pagkatapos ay tinanggal ko na rin ang kanya."Batugan, gising na."sinabi ko para magising si Maxine. Medyo malakas ang hilig  niya, pinigilan ko ang matawa."Hoy gising na. Matuluan pa ng laway itong sasakyan ko."sabi ko pa sa kanya.

Idinilat niya na ang mga mata niya."Grabe ka, parang ikaw hindi ka naglalaway ah."sabi naman ni Maxine sa akin.

"May sinabi ba akong hindi?"sabi ko pa."Baba na, nandito na tayo sa inyo."dagdag ko pa sa sinabi ko.

"Umalis ka muna kasi eh. Gusto mo bang ikaladkad ko 'yang mukha mo sa pader?"-Maxine.

Medyo natawa ako sa sinabi niyang 'yon."Honest."sabi ko pa sa kanya.

Una muna akong bumaba pagkatapos ay sumunod na siya. Kinuha niya na muna yung mga bag niya sa back seat. Lumapit na siya sa akin."Ingat ka pagmamaneho mo, Mr. Seloso."pangangasar pa sa akin ni Maxine. Tumingkayad siya para maabot ang labi ko pero nag-iwas kaagad ako."Oh baket ayaw mo?"

"Naglaway ka. Ayoko ng may laway."pagkatapos kong sabihin 'yon sa kanya ay hinalikan ko siya sa noo."Matulog kana, 'wag kana makipagtext doon sa ka-text mate mo."sabi ko pa sa kanya.

"Anong ka-text mate ka diyan tse! Magingat ka."-Maxine.

Ginulo ko muna ang buhok niya pagkatapos ay pumasok na ulit ako sa loob ng sasakyan ko. Kinaway ko pa siya at kinawayan niya din ako. Matapos namin na magkawayan sa isa't-isa ay nagmaneho na ulit ako papunta naman sa bahay ko. Medyo sumasakit yung lalamunan ko ngayon kahit hindi naman ako umiinom ng mga malalamig na tubig, at maski na mga pagkain. Kaninang umaga lang ito, hindi ko nga lang nasabi kay Maxine dahil nakalimutan ko.

Napahikab ba lang ako habang nagmamaneho. Mukhang inaantok na rin ako kahit hindi naman ako pagod. Birthday na pala ni Maxine sa Thursday. Tuesday na ngayon, dalawang araw na lang pero wala pa akong naiisip na regalo sa kanya at kung anong gagawin ko. Wala pa naman akong alam sa page-effort pero yung tatlong kulugo meron kaya magpapatulong na lang ako sa kanila bukas.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now