CHAPTER 85

1K 47 1
                                    

Maxine's POV.

Nang makaalis sina Tayler ay pumunta muna ako sa basketball court para panoorin ang practice nila Damon. Madami sila ngayon. Nandito lang ako, nakatayo. Mukhang tapos na ang practice nila dahil malapit na ang oras ng klase. Nagsilabasan na sila. Nang makita ko si Damon ay agad ko s'yang hinatak.

"Maxine!"masayang sabi ni Damon tapos ay niyakap n'ya ko

Agad akong humiwalay sa pagkakayakap."Damon, pwede ba kitang makausap?" tanong ko.

"Oo naman, d'on muna tayo sa bench na 'yon." turo n'ya don sa may bench na bakante.

Pumunta na kami d'on at umupo na. Bumuntong-hininga muna ako bago magsalita."Ahm Damon..."sabi ko

"Ano ba 'yon Max?" tanong sa'kin ni Damon.

Yumuko ako."Kasi Damon ano ahm... Pwede bang tumigil kana sa panliligaw mo sa'kin?"Sabi ko sa kanya.

Hinarap n'ya yung mukha ko sa kanya."Pero Maxine hindi ko kaya, mahal kita Max, mahal na mahal kaya please? Hayaan mo na lang ako sa panliligaw ko sayo."Sabi n'ya naman.

"Damon, kung mahal mo talaga ako titigil ka sa ginagawa mo." sabi ko pa."Dederetsahin na kita Damon. "bumuntong-hininga ulit ako."Hindi kita mahal."

Nagulat s'ya. "Pero Max? Pa'no? Pa'no mo hindi minahal yung isang katulad ko? Bakit? Bakit hindi ka nahulog sa'kin? Kahit ba crush man lang wala?" mga tanong n'ya.

Hinawakan ko yung kamay n'ya. "Mahal din kita Damon." sabi ko habang nakatingin sa kanya."Pero as a friend lang."sabi ko pa."At hindi kita nagustuhan dahil si Tayler ang mahal at gusto ko."dagdag ko pa.

Tumayo s'ya."Yung gagong 'yon? Mamahalin mo?"natawa s'ya bigla."Maxine, sasaktan ka lang ni Tayler at mapaglaro ang mga gangster. "sabi n'ya sa'kin." Sa isang katulad mo Maxine hindi malabong maniwala ka sa mga sinasabi ni Tayler. "sabi pa n'ya." At hindi rin malabong lokohin ka ni Tayler."

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now