CHAPTER 99

936 42 1
                                    

Maxine's POV.

Kakatapos lang ng practice namin sa cheer dance. Sa tingin ko ay pahirap na ng pahirap ang practice namin. Buti na nga lang hindi ako binubwisit ni Zerene kapag magpa-practice kami. Masyado akong pinagpawisan ngayon kaya hindi muna kami pumasok ni Tayler sa loob ng sasakyan n'ya.

Ngayon ay pinupunasan ni Tayler ang likod ko. Kingina ang sarap n'yang pumunas! Hehehe. Wala naman masyadong tao at tatlo na lang ang sasakyan dito, isa yung kay Tayler d'on sa tatlo. Feeling ko basang-basa pa rin ang likod ko kahit pinupunasan na 'yon ni Tayler.

Bigla s'yang tumigil."May towel ka pa ba d'yan?"tanong n'ya.

"Teka lang."sabi ko. Naghanap ako sa gym bag ko. Nang makahanap ako ay kinuha ko na."Eto oh."pagkasabi ko n'on ay binigay ko na sa kanya.

Kinuha n'ya naman."Hindi kita na-solo kanina."sabi n'ya habang pinupunasan ang likod ko.

Medyo natawa ako."Eh kailanga ako ng dalawa eh."sabi ko naman."Hindi ka ba nagalit kanina sa'kin nung nakita mong nakaakbay sa'kin si Justine?"tanong n'ya.

"Hindi."agad s'yang sumagot."Diba sabi ko sayo hindi ako kaagad nagagalit sa mga mabababaw na dahilan."sabi n'ya pa."Tsaka wala namang malisya."dagdag n'ya pa

Humarap ako sa kanya kaya napatigil s'ya sa pagpupunas sa likuran ko."Lagi kang kalmado."pagkatapos kong sabihin 'yon ay hinalikan ko s'ya sa labi pero yung smack lang.

"Wala naman dapat akong ika-panic."pagkatapos n'yong sabihin 'yon ay hinalikan n'ya rin ako sa lips. Uwuuuu sherep hihihi! Peace!✌

Humiwalay na'ko."Tara na baka magalit si kuya sa'kin."sabi ko.

Pumasok na s'ya sa sasakyan at umupo na sa driver seat. Ako naman ay nilagay muna ang gym bag ko sa back seat pagkatapos ay sumakay na rin, sa passenger seat pa rin ako umupo. Sinara ko na ang pinto at nag-seat belt na. Nagsimula naman s'yang mag-drive.

"Anong nangyari sa paguusap n'yo ni Sunny at ni Justine?"bigla s'yang nagtanong.

"Yon. Si Sunny mukhang mahihirapan. Masakit pa kase na-friend zone. Si Justine naman hanggang kaibigan lang ang love n'ya para kay Sunny."sagot ko d'on sa tanong n'ya.

"Susubukan ko kausapin si Justine."nagprisinta s'ya.

"Hay na'ko Tayler 'wag na."pagtanggi ko."Hayaan na lang natin na sila. 'Wag na muna natin sila pakealaman. Mukha namang kakayanin nila parehas eh."sabi ko.

Hindi na s'ya ulit nagsalita. Siraulo talaga 'tong isang 'to eh. Mas mabuti talaga na hindi muna kami mangealam kina Justine at Sunny. Alam kong malulutas din nila yung nangyayari sa kanila ngayon. Mahihirapan si Sunny, hays.....

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ