CHAPTER 154

780 38 2
                                    

Maxine's POV

Ilang araw na ang nakalipas matapos maayos ni Tayler ang burol ni kuya. Nandito ako ngayon sa lugar kung saan binurol si kuya. Magisa lang ako dito ngayon. Hindi pa makakadating ang iba dahil may klase pa. Sa tingin ko ay bukas pa sila makakapunta dahil sabado bukas. Ayos lang naman ako dito kahit magisa. Delikadong lumabas ako ng magisa pero gusto kong samahan dito si kuya. Pagkatapos ng tatlong araw ng burol ni kuya iililibing na siya.

Sa lahat, ito ang ayaw kong mangyari. Hindi porket kung sino ang mauna ay siya na din ang maunang pumunta doon sa itaas. Ang unfair talaga nito ni kuya. Nakaupo lang ako sa harap ng ataul ni kuya. Tumayo ako para tignan siya. Nagsimula na namang pumatak ang mga luha ko. Hindi pa rin umaalis yung sakit sa katawan ko. Pakiramdam ko pa na ako yung nasasaksak. Ang bata pa ni kuya at madami pa siyang pwedeng gawin pero malabo ng mangyari 'yon.

Hindi ko man nakikita si Summer pero pakiramdam ko malungkot na malungkot ko siya dahil sa nangyari kay kuya. Interesado sila sa isa't-isa. Wala talagang makakapagsabi sa kung anong ang mangyayari. Sa tingin ko, mas malala pa ang mangyayari sa amin ni Tayler at baka gamitin din nila ang mga kaibigan namin. Sa dami ng iniisip ko ngayon, nakukuha ko pa rin na maging positibo at dahil 'yon kay kuya.

"Kuya ang daya mo talaga. Inunahan mo akong makita si papa."sabi ko sabay punas sa ilalim ng mata ko."Naalala mo pa kuya? Nung nandoon pa tayo sa palawan. Naglalaro tayo n'on. Lagi ka ngang nandadaya at hindi mo ako mapagbiyan. Pero kahit mandaraya ka, lagi mo kong inaasar, at pinapagalitan mahal kita syempre kuya kita eh."medyo natawa pa ako kahit maluha-luha na ako."Ikamusta mo ako kay papa ha?"pagkatapos kong sabihin 'yon ay biglang nag-ring ang phone ko."Sandali lang kuya ha?"lumabas muna ako."[Hello?]"sagot ko sa tumawag.

"[Maxine, dederetso na kami diyan nina Justine.]"si Tayler.

"[Na'ko hindi na. Pauwi na din kasi ako tsaka pagod kayo.]"-ako.

"[Sabay na lang tayo umuwi. Ako na lang ang pupunta diyan. ]"-Tayler.

"[Oh sige.]"pagkatapos kong sabihin 'yon ay si Tayler na ang tumapos sa paguusap namin.

Muli akong pumasok sa loob. Naupo na lang ulit ako habang tinitignan ko ang litrato ni kuya. Ilang minuto pa ang lumipas ay may pumasok dito sa loob. Tumabi siya sa akin at bineso ako."Kamusta?"si Tayler.

"Ayos naman."sabi ko.

"Kanina ka pa ba dito?"tanong niya.

"Oo."sagot ko."Pagkaalis mo kanina, pumunta na ako dito. Nakakaboring kasi sa bahay."sabi ko pa

Bigla na lang nangibabaw ang katahimikan."Ako na ang magaayos sa paglilibingan ni Alexander."nagsalita na siya. Naiyak na lang ako ng sabihin ni Tayler 'yon. Niyakap naman niya ako."Sorry."hinaplos-haplos pa ni Tayler ang buhok ko ng sabihin niya 'yon."Wala na tayong magagawa Maxine. Nandito na at nangyari na. Isa lang ang mapapangako ko sayo Maxine, hindi kami titigil hangga't hindi namin nalalaman kung sino ba talaga ang may kagagawan nito sa kuya mo."dagdag niya pa sa kanyang sinabi at pagkatapos ay hinarap niya na ako sa kanya. Pinunasan niya ang pisngi ko."Samahan mo 'ko sa kanya?"tumango na lang ako sa sinabi niyang 'yon. Sabay kaming pinuntahan si kuya."Your brother still look good."

"Alam ko. Dalawa ng lalaki ang nawala sa buhay ko Tayler sa naman 'wag ka ng sumunod."sabi ko sa kanya.

Hinawakan niya ang baywang ko."Hindi 'yon mangyayari, pangako..."ani Tayler. Napangiti ako sa sinabing niyang 'yon. Parang ngayon ko naramdaman na totoo yung pangako niyang 'yon."If ever na mangyari 'yon i'll be back. They are two types of mawala. Did you remember?"tumango na lang ako sa sinabi niyang 'yon. Tinignan naman niya si kuya."And you know, i have one word. Kung mawala nga ako babalikan kita Maxine. Kahit nasa malayo pa akong parte ng mundo. I don't give up because of you."seryoso naman niyang sabi.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now