CHAPTER 142

763 37 8
                                    

Maxine's POV

Nagaalmusal na ako ngayon. Umalis si kuya, nag-grocery siya at yung kambal naman ay nasa kwarto nila. Ang gaan ng pakiramdam ko kanina pagkagising ko. Siguro ay dahil sa paguusap namin ni Tayler kagabi kaya 'yon naging maganda ang umaga ko sana ay wala ng sumira n'on. Kahit ano talagang away namin ni Tayler magkakabati at magkakabati pa rin kami. Syempre 'di namin matiis yung isa't-isa eh.

Bigla ko ng lang naaalala na birthday ko na pala sa isang linggo. Hay tumatanda na, joke. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa birthday ko. Pwede ko naman na i-celebrate kasama sina kuya, mga kaibigan ko at kasama si Tayler. Bonding lang kami sa labas ayos na eh ayoko yung pabonggahan. Ayoko ng maalala yung mga dumaan na birthday ko baka maiyak lang ako.

Naalala ko tuloy yung birthday ko na kasama pa si papa. Hinding-hindi ko malilimutan yung araw na 'yon at 'yon din ang huling birthday ko na cinelebrate ko kasama si papa. Natigil ako sa pagkain ng maalala ko ang nangyari sa ospital at sinabi ng doctor na yung time of death ni papa. Halos ilang linggo akong tulala at hindi ko matanggap yung nangyaring 'yon kay papa. Lagi akong mag-isa nasa isang tabi.

Parang nawalan ako ng ganang kumain. Kaya ayokong maalala yung mga gan'on kasi bigla na lang akong nawawalan ng gana sa ibang bagay. Hay na 'ko. Ang hirap na nga ng sitwasyon namin ngayon magpapalamon pa 'ko sa nararamdaman ko. Nakakainis, ako na lang palagi yung madaming iniisip bakit kaya gan'on? Wala ng space sa utak ko yung mga walang kwentang bagay.

Biglang tumunod yung phone ko sign na may nag-text."Kahit hindi ko iniisip s'ya 'to."sabi ko pagkatapos ay kinuha ko na ang phone ko at tinignan ko kung sino ang nag-text.

(1) Received Message

From: Mystery.

"Hi sweetheart! Good morning!"

"Wala ng good sa morning ko ng ikaw yung bumungad sa 'kin hmp kaaga-aga eh."sabi ko pa ng mabasa ko na yung text message na nang-galing kay Mystery.

Compose Message

To: Mystery.

"Tse!"

Sent.

(1) Received Message

From: Mystery

"Mahal naman sinusungitan mo na naman ako kay aga-aga eh."

"Aba ikaw pa ngayon nagsabi n'yan ah?"sabi ko na naman ng mabasa ulit ang text message ni Mystery.

Compose Message

From; Mystery

"Eh pa'no kita hindi susungitan sinira mo na yung umaga ko?"

Sent.

(1) Received Message

From: Mystery.

"Pa'no ko naman sinira eh hindi ko naman kayang sirain yung araw ng pinakamagandang babae dito sa kalupaan?"

"Aba nambola pa nga."sabi ko pa ulit.

Compose Message

To: Mystery.

"Hindi mo 'ko makukuha sa pambobola mong 'yan tse."

Sent.

(1) Received Message

From: Mystery.

"Sugarpie hindi kita binobola ah totoo kaya yung sinabi ko and by the way malapit na ang birthday mo!!!"

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now