CHAPTER 14

2.2K 100 2
                                    

Maxine's POV.

"Bye bakla!" paalam ko kay Damon. "Thank you ulit sa paghatid!"

Kinawayan n'ya na lang ako at nginitian. Hinitay ko munang s'yang magmaneho bago ako pumasok ng bahay. Nang makalayo na s'ya ay pumasok na'ko.

"Mukhang nage-enjoy yung prinsesa kong kasama yung lalaking'yon ah." sinalubong kaagad ako ni kuya."Wala dito yung kambal, nasa bahay nila tita d'on muna daw sila matutulog in 5 days."dagdag pa ni kuya.

"Ang saya kasing kasama ni Damon kuya hehehe." napakagat ako sa ibabang labi ko.

"Aba may pakagat-labi ka pa ah."pinitik ni kuya noo ko." May gusto ka na sa lalaking 'yon no?"

"Wala kuya ah!" pagtanggi ko.

"May posibilidad pa rin 'yon bunso." iniwan ako ni kuya ng sabihin 'yon.

Ako magkakagusto kay Damon? Oo aminado ako na marupok ako pero 'di ako magkakagusto kay Damon and besides ayoko pang magka-boyfriend no, patay ako kay kuya e.

#MarupokNaGoodGirl

Kumain muna ako bago umakyat sa kwarto. Hindi na'ko binalikan si kuya, nagtampo siguro. Alam kong ayaw n'ya muna ako magka-boyfriend kaya nga wala akong nagugustuhan ngayon kahit crush man lang e.

Simula Elementary wala akong naging boyfriend or crush man lang kasi ayaw ni kuya kahit paghanga lang. Hindi naman ako nasasakal sa mga gusto ni kuya. Siguro ay hindi pa s'ya ganda na magkaroon ng nobyo ang prinsesa n'ya.

May mga nangangahas na ligawan ako pero binusted ko na kaagad. Wow, ganda mo 'teh. Tsaka mamaya pag nagka-boyfriend baka 'di ako makapag-focus sa pagaaral.

Tinapos kona ang pagkain at naghugas na ng mga pinagkainan ko. Matapos ay umakyat na'ko sa kwarto pero 'di muna ako pumasok. Dinaanan ko muna yung kwarto ni kuya. Binuksan ko ang pintuan ng kwarto n'ya at sumilip. Nakatayo s'ya at nakatingin sa labas ng bintana. Kumatok muna ako bago pumasok.

"Kuya?"tawag ko sa kanya." Ayos ka lang ba?"

Hindi s'ya sumagot kahit lumingon lang ay hindi kaya nilapitan ko na s'ya.

"Kuya may problema ka ba?" tanong ko pero 'di man lang s'ya sumagot or tumango."Kuya galit ka ba sa'kin? "sunod kong tanong pero 'di na naman s'ya sumagot.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now