CHAPTER 162

669 30 1
                                    

Sunny's POV

Papunta palang kami sa cafeteria ngayon. Oras na kasi ng break time. Kami-kami pa rin ang magkakasama. Si ate Summer, ako, si Yna, si Andrea, Si Lisa, Si Maxine, Si Tayler, si Cairo, si Liam, si Ian at si Axill. Kahapon ay hindi ako makapaniwala dahil sa mga sinabi ni Maxine kay Dean, sa daddy ni Zerene. Kakaiba talagang babae itong si Maxine. Sobrang bait pero kayang bumangga gamit lang yung mga salita niya.

Namamangha tuloy ako sa kanya. Kahit mahirap, kinakaya niya. Nandiyan naman si Tayler eh. Magkasama sila sa kahit na saan pero yung kahapon doon sa roof top, hindi kasama ni Maxine si Tayler kaya 'yon. Kamuntik na ngang malagay sa panganib ang buhay ni Maxine pero buti na lang at nasalo siya ni Axill. Kakaiba din yung lalaking 'yon. Kita kong super close sila ni Maxine kahit nung first day of school palang silang dalawa na yung naguusap.

Ayoko ngang magisip na baka pinopormahan ni Axill si Maxine. Yun kasi yung nakikita ko. Pansin ko kasing laging malapit si Axill kay Maxine pero tuwing kasama ni Maxine si Tayler eh lumalayo siya ng kaunti. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin n'on. Gwapo din si Axill at habulin ng babae kaya minsan, nawawala siya kasi sabi niya para daw pagtaguan yung nga babae at mga baklang hinahanap siya.

Iba talaga pag-gwapo hahabulin ka. Nakarating na kami sa Cafeteria."Treat ko na kayo."prisinta ni Justine.

"Hindi dre, ako yung mantri-treat ngayon."sabat naman ni Ian.

"Ako na dre, palagi namang ikaw eh."sabi ni Justine kay Ian.

Ang hirap pag nasa pagitan ka nilang dalawa."Para walang away ako na."ani ko."Ate."tawag ko kay ate.

"Ako na lang Sun."prisinta naman ni ate.

"Tulungan ko na si Summer."sabat naman ni Liam.

Umalis na sina ate at Liam. Lumapit ako kina Andrea."Kita niyo 'yon mga 'teh. Baka si Summer yung tinutukoy ni Liam na gusto niya 'no?"ani Andrea na animo'y kinikilig pa sa kanyang sinasabi.

Tinapik ng mahina ni Yna ang braso ko."Mukhang uunahan ka ng ate mo, Sunny ah. Payag ka n'on?"sabi naman sa akin si Yna.

"Bahala si ate diyan. Hindi naman ako kontra eh. Ayos din naman sa akin kasi baka nga mapatino pa ni ate 'yang si Liam."sabi ko naman.

Nagtawanan na lang kami."Tara na maupo na tayo."sabi ni Ian sabay hatak sa kamay ko.

Nagmamadali siyang pumunta sa pwesto namin. Pagkaupo namin ay doon niya lang tinanggal ang kamay niya sa kamay ko. Nailang pa akong tumingin sa kanya."Ahm Sunny, pwede ba kitang imbitahan sa sabado?"paghingi ng pahintulot sa akin ni Ian."Kain tayo sa labas."sabi niya pa sa akin.

Napatingin ako kina Andrea. Nakita kong sinesenyasan nila akong pumayag na. Napakagat pa ako ng labi ko at nagisip-isip saglit."Sa sabado ba?"tanong ko kay Ian.

"Oo."sagot niya naman."May gagawin ka ba o may lakad?"tanong naman niya sa akin.

"Wala naman kaya ahm... Sige payag ako."pagpayag ko sa sinabi ni Ian na lumabas kami.

Biglang maghiyawan sina Andrea."Baka pagkatapos ng date niyo eh baka girlfriend mo na ulit si Sunny, Ian."si Yna.

"Uy hindi date 'yon ah."saway ko kay Yna.

Dumating na sina ate dala ang mga pagkain namin. Umurong si Ian at umurong din ako para makaupo sina ate at Liam."Anong date date 'yan ah."sabi ni ate sabay tingin sa akin.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now