CHAPTER 137

862 35 2
                                    

Maxine's POV

Araw ng linggo ngayon. Nasa practice na kami. Oras na naman para kami ay kumain, break time na kasi. Umalis si Tayler kasama sina Justine kanina nang magsimula ang practice namin pero babalik naman daw s'ya kapag matatapos na ang practice dahil s'ya daw ang maghahatid sa 'kin sa bahay. Kasama ko sina Andrea. Pupunta kaming cafeteria para kumain. Puro cheer leader members yung nandito sa cafeteria nang makapasok kami.

Sabay-sabay kaming bumili ng pagkain namin. Pagkatapos n'on ay nagsi-upuan na kami. Binaba muna namin yung nga bag namin sa ilalim ng lamesa."Hindi pa tayo tapos mag-practice pero pagod na kaagad ako."biglang sabi ni Andrea.

Kahit ako rin ay napagod dahil sa practice. Tumitindi na kasi yung practice namin bawat araw."Same."sabi ko naman."Gusto ko ngang matulog eh."dagdag ko pa at nagsimula na 'kong kumain."Teka lang nakalimutan kong bumili ng tubig. Ubos na kasi yung nasa tumbler ko."sabi ko pa.

"Max, pasabay kami ni Sunny."-Yna.

Inabot nila sa 'kin yung mga pera nila kaya agad ko namang kinuha. Agad akong bumili ng tatlong bottled water. Pagkalingon ko ay may bigla akong nabangga."What the...."si Zerene."Wala ka na ba talagang ibang gagawin kundi ang banggain ako?"inis na sabi n'ya."Ako ba talaga ay ginagalit mo?"

"Hindi ko sinasadya okay? Alam mo naman siguro na may tao sa harapan mo diba?"-ako.

"Ow sorry ngayon lang ako na-informed na tao pala yung nasa harapan ko."-Zerene.

Nakaramdam ako ng galit sa sinabi n'yang 'yon pero agad kong pinigilan ang sarili ko para hindi ako makagawa ng kahit ano."Ngayon lang din ako na-informed na nakakapagsalita pala yung katulad mong ahas."mataray na sabi ko kay Zerene. Sasampalin n'ya na sana ako pero agad ko s'yang pinigilan."Kung ikaw masasaktan mo 'ko ng pisikalan, ako kaya kitang saktan sa pamamagitan lang ng salita ko. Hindi pa kita sinasaktan ng pisikal, uurong 'yang bibig at kamay mo ng kusa."pagkatapos kong sabihin 'yon ay binitawan ko yung kamay n'ya na parang pahagis kong binitawan."May isa pa 'ko, tigilan mo na ang boyfriend ko dahil kung hindi sa impyerno ang punta mo."may diin na pagkakasabi ko at matapos ko din na sabihin 'yon ay iniwan ko na s'ya kasama ang mga kaibigan n'ya.

Nakabalik na 'ko sa lamesa namin nina Andrea. Umupo na 'ko."Yna ito na oh."inabot ko na kay Yna yung tubig na pinabili nila sa 'kin.

Biglang may humatak sa buhok ko kaya napatayo ako. Umalis ako sa pagkakaupo dahil sa may humahatak sa buhok ko."Alam mo bang walang nakakapagsalita sa 'kin ng gan'on pero ngayon meron na. Hindi mo 'ko basta-basta matatakot Maxine dahil kung pupunta man ako sa impyerno sinisigurado ko sayo na kasama kita."sabi n'ya sa 'kin habang hawak-hawak ang buhok ko.

"Na triggered ba kita? Sabi ko sayo eh. Sa salita pa lang nasasaktan na kita."sabi ko sa kanya habang pinipilit kong tanggalin ang kamay n'ya sa buhok ko.

Nagsabunutan na kami ni Zerene. Napahiga ako sa sahig. Nagulat na lang ako ng may kutsilyo s'yang itinutok sa 'kin."Alam mo bang gusto na kitang patayin? Kating-kati na 'ko Maxine. Kapag nakahanap ako ng pagkakataon, lahat ng klase ng pagpatay gagawin ko sayo. Mawala ka lang sa buhay ko."pagkatapos n'yang sabihin 'yon ay umalis na s'ya sa pagkakapatong sa 'kin habang hawak ang kutsilyong tinutok n'ya sa 'kin.

Tinayo ako nina Andrea."Max ayos ka lang?"alalang tanong ni Yna.

"B-bakit may kutsilyo si Z-zerene?"utal naman na tanong ni Sunny.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now