CHAPTER 7

2.7K 135 4
                                    

Yesterday...

Tayler's POV.

Matapos ko maihatid yung babaeng 'yon sa bahay nila ay dumeretso na 'ko sa bahay ko. Nang makarating ako sa bahay ay bumaba muna ako sa sasakyan para buksan yung gate.

Nang mabuksan ko yung gate ay bumalik ako sa sasakyan at pinasok na 'yon sa loob. Bumaba na ulit ako at sinara ang gate. Kinuha ko ang susi ng pintuan sa may bulsa ko sa likuran. Nang mabuksan ay agad akong umupo sa sofa ay ibinaba ko na ang bag ko.

"Tss, parang kagat lang ng langgam."sabi ko sa sarili ko habang tinitignan yung ginawang hiwa sa 'kin ng lalaking malaki ang katawan.

Tumayo ako at pumunta ng kusina para hanapin yung first aid kit. Nang makita ko sa taas ng ref ay bumalik na ulit ako sa sofa. Nang makaupo ay tinanggal ko na ang nakatapal sa sugat ko. Sanay na 'kong masugatan pero ayoko pa rin.

Ilang minuto lang ang lumipas ay natapos ko nang gamutin ang sugat ko. Bumalik ulit ako sa kusina para ibalik yung first aid at kumuha na rin ng makakain. Wala ako sa mood magluto ngayon kaya kinuha ko na lang yung salad na natira ko noong isang araw pagkatapos ay umakyat na 'ko sa kwarto ko.

Inilapag ko ang salad sa lamesa na maliit sa may bandang gilid ng kama ko. Umupo muna ako para makapagpahinga. Medyo napagod ako sa ginawa kong 'yon kanina at biglaan pa.

Mahina pa ang katawan ko n'on dahil kagagaling ko lang sa away. Nakaramdam ako ng lalong panghihina dahil mula pa kanina ay wala pa 'kong pahinga.

Kinuha ko ang cellphone ko at dinayal ang number ni Justine.

"[What's up bro. Do you need something?]"he immediately ask.

Justine De Dios. He is my childhood friend. And now i considered him as my younger brother since i'm only child. He and my friends is my partners in crime.

"Nothing."i answered."A-absent ako bukas."

"[Why?]"

"I want a whole-day rest."

"[Napalaban ka na naman ba?]"

"Yeah."i sight."I'll tell you what happened in the next next day."

"[Okay dre, get well.]"he said and i call ended up our conversation.

Kinuha ko na ang salad na nasa lamesa. Kumain ako ng kaunti at nagpahinga. Siguro ay napagalitan na yung babaeng 'yon. Hindi ko mapigilan ang pagiging masungit sa mga tao sa paligid ko at ang pagbabalewala sa sinasabi nila.

Nakaramdam ako ng medyo pagkirot ng sugat ko kaya napahawak ako sa braso ko. Kanina ay sobrang sakit nito lalo na n'ong nagpigil ako ng sakit sa harapan ng babaeng 'yon dahil ayaw ko mag-alala pa siya lalo.

Teka bakit ba iniisip ko pa rin yung babaeng 'yon?

Nagulo ko ang buhok ko dahil sa iniisip na 'yon. Kanina ay tingin siya ng tingin at sanay na 'ko sa gan'on pero iba yung dating ng tingin niya. Hindi ako na-awkward-an d'on sa ginawa niya, ang nainis ako n'ong nagprisinta siyang gagamutin ang sugat ko. Ang ayoko sa lahat yung pinapakealam ako kahit sila pa ang nagprisinta. I can take care of myself.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now