CHAPTER 47

1.3K 65 1
                                    

Maxine's POV.

Hanggang ngayon umiiyak pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit ayaw tumigil ng pag-iyak ko. Ayoko ng magsayang pa ng luha sa mga taong gago. Kasama ko pa rin hanggang ngayon si Damon. Pumunta kami sa play ground dito sa village.

"Maxine, bakit ka ba umiiyak?" kanina pa'ko kinukulit ni Tayler na sabihin ko kung bakit ako umiiyak."Dahil ba kay Tayler?"lalo akong umiyak ng marinig ang pangalan n'ya.

"A-ayokong marinig y-yung pangalan na 'yan." sabi ko.

"Ano yung nangyari Maxine? Sabihin mo sa'kin."-Damon."Please Maxine?"

"K-kanina pumunta ako s-sa bahay n'ya t-tapos nakita ko sina T-tayler at Z-zerene na n-nakahubad." kwento ko sa kanya.

"What?!" gulat na sabi ni Damon at napaiyak naman ako lalo."Ang tali-talino ng lalaking 'yon tapos gagawin n'ya yung gan'on? Kingina. Kingina. Kingina walang hiya s'ya pupuntahan ko s'ya ngayon."tumayo si Damon.

"Damon wag na, hayaan m-mo na, p-please..." pagpigil ko sa kanya.

"Maxine, tignan mo yung sarili mo hindi mo man lang nagawang ipaglaban si Tayler sa babaeng 'yon? Akala ko ba mahal mo si Tayler?"-Damon.

Mahal ko na s'ya, gusto ko na s'ya, gustong-gusto kahit saglit lang kami nagkakilala pero para sa'kin matagal ko na s'yang kilala.

Hinatak ako ni Damon at niyakap."Iiyak mo na lang Maxine baka sakali mabawasan yung sakit na nararamdaman mo kahit magsayang ka ng luha sa isang gagong katulad ni Tayler iiyak mo lang."-Damon.

"D-damon gusto ko nang u-umuwi."-Ako.

"Okay, let's go." tinulungan n'ya kong nakatayo.

Tayler ang sakit... kung kelan gusto at mahal na kita d'on ka pa naging gago.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now