CHAPTER 157

769 40 9
                                    

A months later....

Maxine's POV

NAKALIPAS na ang ilang buwan. Kakaiba dahil walang nambwisit sa amin ni Tayler sa nakalipas na mga buwan. Hindi ko masyadong nakikita si Zerene sa paligid pero nakikita ko siya tuwing practice namin sa cheer leading. Speaking of cheer leading. October na kasi ngayon so ngayong buwan magsisimula ang Interhigh. Ang exact date ay October 15 to 17. Sa bawat araw, isang team ang makakalaban ng Hemelton Basketball Team, ganoon din ang cheer leaders.

Kinakabahan ako. Pero bago ang Interhigh, second exam muna. Nung first exam noong August ay nakapasa kami nina Andrea. Tinulungan kasi ako ni Tayler sa pagre-review. Ngayon ay nagdi-discuss na si Mrs. Dela Cruz. Kakatapos lang niyang magpa-short test sa amin. Sa mga nagdaan na buwan ay naging maayos naman. Pero si Summer malungkot pa rin sa tuwing naalala niya si kuya. Gan'on din naman ako. Nalulungkot kapag naalala ko si Kuya.

Hanggang ngayon ay magkasama pa rin kami sa bahay ni Tayler. Yung kambal bumalik na sa bahay nila. Sa kalagitnaan ng pagdi-discuss ni Mrs. Dela Cruz ay nag-ring na ang bell."Goodbye class. We will continue our discussion tomorrow."sabi sa amin ni Mrs. Dela Cruz.

"Goodbye, Mrs. Dela Cruz."sabi naman namin sa kanya.

Nagsi-ayos na kami ng mga gamit. Matapos kong magayos ng gamit ay binitbit ko na yung bag ko pagkatapos ay humarap na ako. Nagulat ako ng may biglang sumulpot sa harap ko."Ano ka ba, Cairo."sabi ko habang nakahawak ako sa dibdib ko.

"Ah eh sorry Max."paghingi niya ng pasensya.

"May sasabihin ka ba?"tanong ko sa kanya.

Bumuga muna siya ng hangin na mula sa bibig niya."Kase Max ano eh ahm..."parang nagdadalawang isip pa siya kung sasabihin niya yung kung ano man."Kase Max, seryoso na ako sa feelings ko kay Yna."sabi niya sabay lingon kina Yna na tumatawa habang nagkukulitan sila nina Andrea."Oo, aminado akong babaero ako pero sinisigurado ko sayo na hindi laro-laro lang para sa akin si Yna. Habang patagal kasi ng patagal nahuhulog na ng tuluyan yung loob ko sa kanya."napangiti ako sa sinabing 'yon ni Cairo."Tinamaan ako Max eh."napakamot pa siya sa batok niya.

"Bakit hindi ka mag-confess."sabi ko sa kanya.

Halata sa kanya ang pagkagulat."M-max kinakabahan ako eh..."si Cairo.

"Alam mo dalawa lang ang magiging resulta kapag nag-confess ka."tumigil muna ako saglit."Una kung ia-accept ka niya or ire-reject."sabi ko pa."Basta 'wag kang matakot mag-confess. If she reject you just continue until she falls for you too."dagdag ko pa sa sinabi ko.

"Max!"rinig kong tinawag ako ni Yna. Bigla niyang inakbayan si Cairo."Hey."tawag pansin niya kay Cairo."Ano Max? Tara na gutom na ako eh."sabi pa ni Yna.

"Oh sige."sabi ko naman sa kanya.

"Let's go!!!"sabay-sabay nilang sabi.

May biglang humawak sa kamay ko."Tara na."si Tayler.

Magkahawak-kamay kaming lumabas ng room. Si Sunny ay nakaharap na naglalakad sa amin."May namumuong bagyooo!!!"hiyaw ni Sunng.

Sabay-sabay silang napatingin kina Yna at Cairo."Ayieeeeeee!"hiyawan pa nila."Pumapag-ibig na si Yna!!!"si Andrea.

Napatigil si Sunny sa paglalakad ng may mabunggo siya. Maa-out balance sana siya pero agad na may sumalo sa kanya."Ayos ka lang ba?"tanong ni Ian kay Sunny."Wag ka kasing maglakad ng gan'on pero buti na lang ako yung nakasalo sayo. At buti na lang hindi ka nahulog sa iba."nakatinging sabi pa ni Ian kay Sunny.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin