CHAPTER 38

1.5K 77 3
                                    

Maxine's POV.

Naguwian na. Ako na naman ulit yung natira dito sa room. Gusto ko kasing maunang lumabas sa'kin yung mga classmates ko. Buong araw si Tayler na naman yung laman ng utak ko.

"Hay, nakakaguilty." sabi ko sa sarili ko.

"Wag kang maguilty."narinig ko ang boses ni Tayler kaya hinanap ko kung nasan, nasa pintuan s'ya nakatayo at nakapamulsa.

"Maxine, hatid na kita." biglang sumulpot si Damon

Bigla namang umalis si Tayler kaya inayos ko na ang gamit ko para sundan s'ya

"Ahm Damon next time na lang, kay Tayler muna ako sasama hehehe sorry." pagkasabi ko n'on kay Damon ay tumakbo ako para hanapin si Tayler.

"Nasa'n kaya 'yon?" sabi ko sa sarili ko.

Pagkababa ng building ay dumeretso ako sa parking lot. Nandito pa ang kotse n'ya kaya hinanap ko lang s'ya sa paligid. May nakita akong lalaking kakapasok lang sa parking lot. Si Tayler!

Tumakbo ako papunta sa kanya."Ahm Tayler... "

"May sasabihin ka ba? Aalis na'ko." lumakad na s'ya.

"Teka!" pigil ko sa kanya at huminto naman s'ya. "P-pwede ba k-kong sumama s-sayo?" nauutal kong sabi.

"Kasama mo si Damon diba?" seryoso n'yang sabi.

"H-hindi sabi ko sayo ako sasabay." sabi ko at yumuko.

"Sanay na." sabi n'ya.

Agad akong sumakay at umupo sa passenger seat tsaka nagsuot na ng seat belt. Sumakay na rin s'ya at nag-drive na. Walang nagsasalita sa'min, ang tahimik.

Seryoso ang mukha n'ya at nakafocus sa daan ang mga mata n'ya. Kanina pa s'ya tahimik n'ong bumaba kami sa tambayan nila. Kanina pa n'ya ko hindi kinakausap.

"Tayler?" tawag ko sa kanya pero 'di n'ya ko nilingon."Fuegeras?"tawag ko ulit pero 'di pa rin s'ya lumingon."Baby?"

"Mmm?"nilingon na n'ya ko.

May pagkamaarte rin 'tong lalaking 'to.

"Bakit 'di mo'ko kinakausap?" tanong ko.

"Ano naman sasabihin ko?"sagot n'ya 'yan.

" Eh bakit ang tahimik mo?"nagtanong ulit ako.

"Gusto mo mag-ingay ako?" pilosopong sagot n'ya.

"Galit ka ba?" tanong ko ulit..

"Bakit naman ako magagalit sayo?" sabi n'ya pa."Samahan mo'ko sa convenient store may bibilhin lang ako. "

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now