CHAPTER 45

1.3K 72 5
                                    

Maxine's POV.

Nakauwi na'ko galing school. Ako lang ang umuwi ng magisa, ni hindi ako nahatid ni Tayler o ni Damon. Habang kumakain ay napapaisip ako sa mga sinabi sa'kin nina Yna.

"Bunso?" nahimasmasan ako ng tawagin ako ni kuya.

"Ano yung kuya?" tanong ko.

"Ang lalim naman ng iniisip mo?" sagot n'ya.

"Ah eh t-tungkol lang sa pageant yung iniisip ko hehehe." pagsisinungaling ko.

"May practice ka ba bukas?"tanong n'ya .

"Meron kuya, six ng umaga aalis na'ko kasi six-thirty umpisa." sagot ko naman.

"Gusto mo hatid na kita?" prisinta ni kuya.

"Wag na kuya maglaba ka na lang dito." sabi ko.

"Aba ginawa mo'kong kasambahay ah!" naasar na sabi n'ya.

"Or matulog ka na lang para makapagpahinga ka." sabi ko pa.

"Pwede din." sabi pa ni kuya.

Nagkwentuhan lang kami ni kuya habang kumakain. Pagkatapos namin kumain ay nagprisinta si kuya na s'ya na lang ang maghugas ng pinagkainan namin.

Umakyat na'ko sa kwarto. Humiga nako at tumitig na lang sa kisame hanggang sa makatulog ako..

KINABUKASAN.

"Kuya alis na'ko!" nagpaalam nako kay kuya.

"Mag-ingat ka bunso ah? Kapag may nangyari tawag mo'ko kaagad ah?" sabi ni kuya.

"Copy, boss!" pagkasabi ko n'on ay lumabas na'ko ng bahay.

Naglakad ako palabas ng village dahil walang taxi or tricycle dito. Ang yayaman kasi naman mga tao dito may sasakyan.

Nang makalabas ng village ay naghintay ako ng jeep. Pumara na'ko ng jeep na dadaan sa school. Mas gusto kong sumakay ng jeep kesa sa tricycle or taxi.

Hindi traffic kaya madali akong nakarating sa school. Sinabi ko sa guard na estudyante ako dito para makapasok. Dumeretso na'ko sa room kung saan kami nagpa-practice.

Nandito na ang iba at nakita ko pa si Zerene."Maxine akala ko 'di ka na sisipot sa practice e baka kasi nag-back out ka dahil hindi ka marunong lumakad ng naka-heels."Natatawa n'yang sabi.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon