CHAPTER 126

832 28 0
                                    

Maxine's POV

Araw na ng biyernes ngayon. Bukas ay weekends na pero kahit magweekends pa hindi naman ako makakapagpahinga dahil may practice kami ng cheer leading. Magtatagal pa ang pagpa-practice namin dahil sa October pa mangyayari ang Interhigh. Madaming school ang maglalaban. Ang nasagap kong balita ay ang Darian Highschool at Costco Highschool ang makakalaban ng school namin sa  basketball team.

Makakalaban din namin ang cheer leaders ng mga school na binanggit ko. Ang balita ko pa ay magagaling ang mga teams na nasabing school. Hindi sa tsismosa ako nasagap ko lang talaga yun hehehe. Narinig ko kasi 'yon kahapon sa mga tagapamahala sa Interhigh. Konti lang nama yung mga narinig ko hehehe. Nagbibihis na 'ko ngayon. Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming matinong usapan ni Tayler.

Kung iisipin wala naman talaga kaming matinong usapan eh. Lagi kasi s'yang seryoso kung magsalita tapos kung bumanat at magbiro naman s'ya, hindi naman bagay sa kanya. Biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko."Bunso, si Damon nasa baba."sabi ni kuya.

"Pakisabi teka lang!"sigaw ko kay kuya.

Tinapos ko muna ang pagaayos ng sarili ko. Matapos kong magayos ay lumabas na 'ko ng kwarto at bumaba na ng hagdan. Nakita ko na nakaupo si Damon sa may salas. Nilapitan ko s'ya. Bigla s'yang tumayo."Good morning Max."bati n'ya sa 'kin.

Wala akong kaide-ideya na pupuntahan n'ya ako ngayon kasi naman puro pambubully ang ginagawa n'ya nung mga nakaraang linggo."Good morning din."binati ko rin s'ya."Maupo ka."sabi ko sa kanya at agad naman n'yang ginawa. Umupo din ako sa tabi n'ya."Ano nga palang sadya mo Damon?"tanong ko sa kanya.

"Max alam kong nakikita mo na yung totoong ako dahil sa mga kalokohan ng ginagawa ko sa school."sabi n'ya sa 'kin habang nakayuko.

"Alam mo Damon 'wag kang mahiya na ilabas mo yung totoong kulay mo, yung totoong ikaw kasi mas maganda 'yon kesa naman ilihim mo yun kasi minsan yung paglilihim nakakasakit."-ako.

"Kagaya ba ng ginawa namin sayo ni Tayler?"tanong n'ya na tinanguan ko na lang bilang sagot."Max bakit ba ang bait mo? Bakit din ang sarap mong kausap? Bakit sa oras na ang lungkot ng mga kaibigan mo nand'yan ka para tulungan sila? Bakit kaya kung sino pa yung masama sila pa yung makakakilala ng isang mabait na katulad mo?"mga tanong sa 'kin ni Damon.

Natawa ako sa mga tanong ni Damon. Hinawakan ko s'ya sa balikat."Damon, walang mga tanong kung bakit ganito ako kabait. Namana ko lang 'to sa tatay ko hindi kasi ako makatiis kaagad eh."medyo natawa pa 'ko ng sabihin ko 'yon."Siguro nga nakatadhana sa 'kin na makakilala ako ng katulad mo at katulad ni Tayler. Hindi din kasi 'yon maiiwasan."sabi ko pa. May bigla akong naisip."Damon, naisip mo na ba or nagawa mo na bang ibully si Tayler?"tanong ko sa kanya. Yun kasi yung naisip ko eh.

Mukha s'yang nagiisip."Naisip ko na rin na gawin 'yan pero hindi ko na lang sinubukan."sagot n'ya sa tanong ko."Kilala ko 'yon si Tayler. Iniisip ko pa lang alam ko na hindi 'yon uubra sa kanya kasi walang pakealam 'yon sa mga bagay-bagay."sabi n'ya pa.

Gan'on talaga si Tayler pero nung  mga bata pa kami hindi s'ya gan'on."Close ba kayo ni Tayler dati?"tanong ko pa sa kanya.

"Oo."deretsong sagot n'ya."Pero nagbago s'ya nung nakilala namin si Zerene."sabi n'ya."Kung dati kapag magsasama-sama kami ay masaya si Tayler kahit hindi halata sa kanya, noon i mean yung time na nakilala namin si Zerene nagbago yung ugali n'ya. Mas dapat yatang sabihin na nadagdagan pa yung pagkaseryoso n'ya."

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now