CHAPTER 106

872 33 0
                                    

Maxine's POV.

Makalipas ang ilang araw ay magaling na'ko. Isang linggo na lang bago ang pageant pero hindi pa rin ako handa para sa talent portion. Okay na'ko sa talent portion, tinulungan ako nila Andrea. Habang papalapit ang araw ng beauty pageant ay lalo akong kinakabahan.

Yung mga kasama ko sa pageant handa samantalang ako hindi pa. Ang confident nila hay sana ako rin, mahiyain kasi ako tapos nilalamon pa ng kaba at takot. Sa buong buhay ko kasi, ito ang first na sumali ako sa beauty pageant at sa cheer dancing.

Okay pa'ko para sa cheer dancing dahil sa October pa naman mangyayari 'yon. Ang sunod pagkatapos ng pageant ay ang singing contest. Hindi ko pa naririnig kumanta si Tayler pati na rin si Lisa. Sa lahat, sa singer at guitarist ako naa-attract.

Sa mga nagdaan na araw ay naging tahimik ang buhay ni Tayler at ng iba pa. Si Zerene ay naka-focus para sa Cheer Dancing at pageant, yung mga kaaway ni Tayler hindi pa rin nagpaparamdam hanggang ngayon. Nung mga nakaraan ay sumasama na sa'kin si Tayler maglunch kasama sina Andrea.

Biglang nag-ring ang bell senyales na lunch break na."Okay class ipagpatuloy na lang natin yung discussion bukas."sabi sa'min ni Sir. Bellares.

"Yes sir!"sabay-sabay namin na sabi.

Nag-ayos na nang gamit si sir. Nang matapos s'ya sa pagaayos ay lumabas na s'ya ng room. Nagsitayuan na ang mga kaklase ko at may mga lumabas na din. Wala akong gamit sa ibabaq ng desk ko dahil hindi naman nagpasulat si sir kanina.

Tumayo na'ko at nagunat-unat. Grabd nakaramdam ako ng pagsakit sa pang-upo ko. Tumalikod ako para bitbitin na ang bag ko. Nagulat ako ng may biglang yumakap sa'kin. Alam kong si Tayler 'to. Nagugulat pa rin talaga ako kahit alam kong s'ya yung laging yumayakap sa'kin.

Humarap na'ko sa kanya at sinukbit ko na ang back pack ko sa likuran ko."Nagugutom kana ba?"tanong ko kay Tayler.

"Oo."agad s'yang sumagot habang nakapamulsa.

Mukha talaga s'yang boyfriend material kapag nakaganito s'ya."Anong gusto mong kainin?"tanong ko ulit.

"Ikaw."deretso n'ya kong sinagot.

Nahampas ko ang braso n'ya dahil d'on sa sagot n'ya."Puro ka talaga kalokohan, hindi ako pagkain 'no at kung binabalak mo'kong kainin 'wag na dahil hindi ako masarap."sabi ko sa kanya.

"Masarap ka kaya."sabi n'ya naman.

Puro talaga kalokohan ang nasa utak ng isang 'to, buti nagkasya pa."Pa'no mo nasabi 'yan? Natikman mo na ba'ko?"sabi ko habang nakataas ang isang kilay ko.

"Sa labi palang masarap na pa'no pa kaya kung buong katawan na."sabi n'ya habang nakatingin sa'kin na parang may binabalak s'ya.

Hinampas ko s'ya ng dalawang beses sa braso."Ikaw tigil-tigilan mo'ko sa pagiging manyak mo ah."

"Pero gusto mo naman?"tanong n'ya. Hindi ako nakasagot sa tanong n'yang 'yon."Silent means yes."sabi n'ya."Ngayon nga mukha ka ng mas adik sa'kin sa halik."

"Kasalanan mo 'yon 'no!"sabi ko.

"Hep! Hep! Hep! Tama na muna 'yan ah dudumugin na kayo ng sandamakmak na langgam kapag 'di pa kayo tumigil d'yan."biglang sumingit si Andrea.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now