CHAPTER 79

1.1K 60 15
                                    

Tayler's POV.

Nakarating na kami ni Maxine sa school. Hindi ko na lang ipinasok sa parking lot ang kotse ko dahil aalis din naman ako kaagad at hindi ko naman maiihatid si Maxine sa loob. Tinabi ko na lang yung kotse ko sa Entrance ng school. Tinanggal na n'ya ang seat belt n'ya.

Tinignan n'ya ko."Una na'ko Tayler."sabi n'ya tapos hinalikan n'ya ko sa labi pero yung smack lang.

Ginulo ko yung buhok n'ya. "Mag-ingat ka, wag kang aalis hangga't hindi ako dumating. Kung may mangyari man tawagan mo'ko kaagad." sabi ko sa kanya at ako naman ang humalik sa kanya pero sa noo.

"Yes, boss." pagkatapos n'yang sabihin 'yon ay bumaba na s'ya ng sasakyan at pumasok na sa loob.

Sakto namang nag-ring ang phone ko."[Bakit?]"tanong ko.

"[Nandito na kami sa tapat ng bahay mo]" sagot ni Justine.

"[Hintayin n'yo na lang ako dadaan pa kasi ako sa bahay nila Maxine.]" ako.

"[Sige dre ingat.]" pagkasabi ni Justine n'on ay binaba ko na ang tawag.

Binalik ko na ang phone ko sa bulsa ng shorts ko at nagsimula nang mag-drive. Hindi ko alam kung ano yung dahilan kung bakit nila gusto makuha yung buhay ko? Siguro dati ay nakapatay ako pero kasi kapag iniisip ko kung sino 'yon ay wala akong maisip. Madami na din kasi akong napatay simula nang maging gangster ako.

Ang ginagamit kong pangpatay ay baril pero karamihan sa napatay ko ay panaksak ang gamit ko. Walang nagturo sa'kin kung pano bumaril o manaksak, natuto lang ako sa sarili ko. Sakto lang ang tawag sa'kin ni Maxine 'boss' dahil ako ang leader ng gang namin. Apat lang kami sa grupo dahil wala akong tiwala sa iba. Tanging sina Justine, Liam at Cairo lang ang pinagkakatiwalaan ko kaya naman bumuwag kami sa dati naming grupo at gumawa na lang ng bago. Ako ang leader sa grupo, si Justine ang bahala sa mga teknolohikal na kagamitan, si Liam at si Cairo ang inuutusan naming kunin o dukutin ang mga kalaban namin tapos ay ako ang papatay.

Walang akong sinasanto, kahit sino ay pinapatay ko. Kahit sa bugbog at paglumpo ay nakakapatay ako. Bata palang kasi ako ay may nagturo na sa'kin kung pa'no makipaglaban. Nagpapabalik-balik pa'ko sa bahay n'ya noon dahil gusto kong magpaturo. Turing ko sa kanya noon ay ama dahil para talaga s'yang tatay ko. Ngayon ay hindi na kami nakikita. Last ko s'yang nakita ay noong 11 years old ako. Hinasa na n'ya ko n'on kahit bata pa'ko. Lagi akong may ka-sparing noon tapos kapag wala naman ay s'ya yung ka-sparing ko.

"Mang Danny." banggit ko sa pangalan n'ya.

Kamusta na kaya sya ngayon? Buhay pa kaya s'ya? Huling balita ko sa kanya ay sa ibang lugar na s'ya nakatira pero susubukan ko pa rin s'yang hanapin. Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na'ko sa bahay nila Maxine. Tinanggal ko na ang seat belt ko at bumaba na.

Kumatok na'ko. Bumukas na ang pintuan. "Oh Tayler ano sadya mo?" tanong n'ya.

"Ihahatid ko lang yung bag ni Maxine." sagot ko tapos binigay ko na sa kanya yung bag.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon