CHAPTER 3

3.1K 140 1
                                    

Maxine's POV

Matapos ang apat na subjects ay nag-uwian na. Masaya ang naging araw ko ngayon dahil may mga naging kaibigan kaagad ako. Nagaayos na ako ngayon ng mga gamit ko para makauwi na.

"Maxine!" tawag sa'kin ni Yna.

"Oh bakit Yna?"sabi ko.

"Wala ka bang kasabay pauwi?" tanong n'ya habang nagtatali ng buhok.

"Wala eh." maikli kong sagot..

"Kaya mo bang umuwi ng magisa?" biglang sabi ni Lisa na nasa likuran ko.

"Oo naman hehehe." nginitian ko sila.

"Kuhain ko nga number mo. Para matawagan kita mamaya kapag nakauwi kami." pagkasabi ni Summer n'on ay nilahad n'ya na ang kamay n'ya na hawak ang cellphone n'ya kaya kinuha ko 'yon at kaagad kong sinave ang number ko sa contacts n'ya.

Isinauli ko na ang phone n'ya matapos kong gawin 'yon. "Okay na." binigyan ko s'ya ng ngiti.

"Mauuna na kami Maxine! Magingat ka ha!" sigaw ni Sunny sa'kin habang kumakaway.

"Magingat din kayo!" sigaw ko naman at kinawayan ko sila pabalik.

Tumalikod na sila at tuluyan na silang lumabas ng room. Ngayon ay ako na lang ang tao dito. Nakabukas pa ang mga electric fan at mga ilaw. Pumunta ako sa switch para i-off. Nang ma-off ko na ay agad na 'kong lumabas ng room at sinara ko na ang pinto.

Hindi naman nagtagal ay nakababa na'ko ng building. Lalong gumanda ang paligid dahil sa mga ilaw sa mga puno. Napakaganda at feeling ko ay nasa park ako ngayon.

Kanina ay 'di ko to napansin dahil nagmamadali ako at maliwanag pa pero ngayong gabi na ay lalong gumanda. Ang langit naman ay hindi maulap at kitang-kita ang mga bituin.

Tuluyan na'kong nakalabas ng school. Kahit nakalabas na ako ng school ay maganda pa rin dahil hanggang dito sa labas ay may mga ilaw. Kinuha ko ang cellphone at earphones ko sa bulsa ko at nagpatugtog. Nakapamulsa ang kanang kamay ko habang naglalakad.

Bigla namang dumaan ang napakalamig at malakas na hangin. Wala masyadong sasakyan at 'di naman masyado nakakatakot ang paligid.

Bigla naman akong nakaramdam na may parang kanina pang sumusunod sa'kin kaya huminto muna ako at lumingon tsaka tinanggal ko ang earphones ko. Lumingon-lingon pa ako para tignan kung meron bang two pero paglingon ko naman ay walang kung sino.

Kaya 'yon lumingon na'ko paharap. Napaatras ako ng biglang may sumulpot na dalawang lalaki sa harap ko. Humakbang ako paatras pero napatigil ako ng may maramdaman akong may nakatayo sa likuran ko.

"Batang-bata pa 'to mga pare."sabi nung lalaking nakasumbrero.

"Oo nga pare, ang kinis pa." sabi naman nung lalaking matangkad at tinignan ang buong katawan ko.

Bigla kong nahulog ang cellphone ko."Mga k-kuya please k-kunin n'yo na l-lang yung p-pera tsaka cellphone k-ko wag lang a-ko p-please..."nakikiusap ako sa kanila.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now