CHAPTER 138

797 37 1
                                    

Sunny's POV

Maayos na ngayon ang lagay ni Justine. Buti na lang daw ay agad naagapan ang sugat n'ya kaya kaunti lang ang lumabas na dugo sa kanya. Nilabas na s'ya sa emergency room at nilagay na sa isa sa mga room dito sa ospital. Ngayon ay minomonitor si Justine ng doctor sa loob. Samantala, kami ay nasa harap lang ng kwarto ni Justine nakaupo. Ang magkapatid na sina Cairo at Liam ay ayos naman daw.

Wala silang kahit anong sugat. Pinatulog lang daw sila. Stable na ang lagay nung dalawa. Si Maxine ay umiiyak pa din hanggang ngayon. Kahit si Tayler ay hindi n'ya magawang patahinin si Maxine kahit na sinabi na ng doctor na ayos na ang lagay ni Justine hindi pa rin nakukuha ni Maxine na tumahan. Halatang-halata kay Maxine ang pagaalala. Nakaupo na s'ya ngayon habang si Tayler ay nakaluhod sa harapan n'ya sinusubukan pa rin n'yang patahanin ang nobya.

Napaiyak din ako kanina pero nung sinabi na ng doctor na ayos na si Justine ay tumigil na 'ko sa pagiyak. Wala pang umuuwi sa 'min hanggang ngayon. Ala-sais na ng gabi. Dapat ay nasa bahay na kami ni ate. Sigurado akong mayayari kami nito kay mama.

Alam kong mangyayari 'yon kay Justine syempre ikaw ba naman na gangster diba? Madami kang nakakaaway pero hindi ko naman inaasahan na sa school pa nangyari. Dati pang bali-balita sa 'min ang mga patayan na gan'on pero tumigil 'yon pero agad din naman na bumalik. Maalarma nito ang mga estudyante sa Hemelton School. Baka magpanic sina pagnalaman nila may sinasaksak sa parking lot.

Biglang lumabas ang doctor sa kwarto ni Justine na may kasamang nurse."Ayos na ang lagay ng pasyente kaya 'wag na kayong magaalala. At nga pala sino sa inyo si Maxine?"nagtaka kami nang sabihin 'yon ng doctor.

Napalingon kami kay Maxine. Tumayo s'ya."A-ako po."sabi naman ni Maxine.

"Binabanggit ng pasyente ang pangalan mo. Mabuti pa siguro na pumasok kana muna ng ikaw lang."sabi pa ng doctor kay Maxine.

Umalis na ang doctor at kasunod lang n'ya yung nurse na kasama n'ya na pumasok sa loob ng kwarto ni Justine."Pumasok kana. Baba lang ako saglit para bumili ng maiinom."sabi ni Tayler kay Maxine at hinalikan pa ni Tayler si Maxine sa noo.

"S-sige. Magingat ka."sabi naman ni Maxine sa nobya at hinalikan n'ya si Tayler sa cheeks pagkatapos ay pumasok na s'ya sa loob ng kwarto ni Justine.

Bigla akong kinalabit ni ate."Oh bakit?"tanong ko kay ate.

Mukhang may binabasa s'ya sa phone n'ya."Uwi na daw tayo sabi ni mama."sagot ni ate.

"Uuwi na din kami ni Yna."singit ni Andrea.

Tumayo na kaming apat."Tayler mauuna na kami."paalam ni ate kay Tayler.

"Magingat kayo."sabi naman ni Tayler sa 'min.

Nauna na s'yang umalis sa 'min dahil ang sabi n'ya ay bibili s'ya ng maiinom."Ate hintayin mo na lang ako sa sasakyan ah? Ji-jingle lang ako saglit."sabi ko pa kay ate.

"Dalian mo."si ate. Tumalikod na sila sa 'kin at naglakad na.

Hinintay ko muna sila na makalayo. Nang hindi ko na sila makita ay pwede ko ng gawin ang naisip ko. Ang totoo ay hindi talaga ako ji-jingle. Gusto ko kasing makita si Justine kaya naman binuksan ko na ang pinto ng kwarto n'ya. Nakita ko si Maxine na nakaupo sa gilid. Bigla na lang gumalaw ang kamay ni Justine at hinawakan n'ya ang kamay ni Maxine?

Bakit parang kakaiba yung naramdaman ko nang gawin 'yon ni Justine kay Maxine? Hindi dapat 'to eh. Kaibigan ko si Maxine at ayoko namang mag-away kami pag nalaman n'ya 'tong naramdaman ko. Magkaibigan sila yun lang. May boyfriend na si Maxine at 'yon ay si Tayler. Wala namang malisya d'on sa ginawa ni Justine pero bakit n'ya 'yon ginawa at kay Maxine pa?

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu