CHAPTER 13

2.1K 111 0
                                    

Maxine's POV

Ngayon ay last subject na namin pero wala pa rin si Tayler. Last ko s'yang nakita n'ong nagpatulong ako sa kanya sa pagdala kay Damon sa clinic. Dapat ay kanina pa s'ya nandito.

Nagpaalam na ang last subject teacher namin at nagpaalam na rin kami. Nagsitayuan na ang mga classmates ko at nagsi-ayusan na sila ng mga sarili nila.

"Hatid kita ulit." bulong sa'kin ni Damon.

"Nung isang araw bakla ka ngayon multo naman? Natatakot na'ko sa susunod ah." biro ko.

"Ayieeeeeeeeeeeeee." hiyawan ng mga classmates ko.

"You know what Max, bagay kayo ni Damon." sabi ni Kylie.

"Oo nga." sunod na sabi ni Kesha.

"Magkahawak pa sila ng kamay." kinikilig na sabi ni Gideon, classmate naming bakla.

"Ayieeeeeeeeeeeeee!" hiyawan ulit nila.

"Tumigil na nga kayo marupok pa naman 'yan si Max." biglang sabi ni Andrea.

"Hayaan mo, sasaluhin ko naman s'ya kung sakaling mahulog s'ya sa'kin." kinilig sila ng sabihin 'yon ni Damon.

"Uuwi na lang e may pa kilig pa kayong dalawa." singit ni Summer.

"Ayieeeeeeeeeeeeee sabay sila ulit." panunukso ni Yna.

"Ayieeeeeeeeeeeeee!" naghiyawan ulit s'ya.

"Halata naman na may gusto 'tong si Damon kay Max e." singit ni Andrea.

"Malalaman n'yo din yung sagot ko d'yan, paano ba 'yan mauuna na kami ni Max. Magingat kayo." nginitian ni Damon yung nga classmates namin bago umalis.

"Bye mga 'teh, bye classmates!" paalam ko.

Bago kami lumabas ni Damon ng room ay kumaway muna ako sa kanila pagkatapos ay humarap na'ko sa dinadaan ko.

"Kaya mo bang mag-drive?" tanong ko sa kanya.

"Yeah." tanging sagot n'ya.

"Sure kaba, multo?" paniniguro ko.

"Yes, dwarft." pangangasar n'ya.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now